Breaking News, Showbiz

Pinay singer  gumagawa ng pangalan sa Japan

ISA na namang Pilipina ang gumagawa ng pangalan sa land of the rising sun Japan at ito ay ang singer/recording artist at tinaguriang Asia’s Queen of Fire Pop Rock Balladeer na si Lae Manego.

Kuwento  nga ni Lae, nagsimula siya bilang bokalista ng banda at noong 2012 ay nagtungo ng Korea bilang singer sa loob ng isang taon.

Pagbabalik-tanaw nga ni Lae, “Bilang singer marami na rin akong  nasalihang contest like Tawag ng Tanghalan, contender ako noong 2018 at sa ‘Wowowin’ noong 2019 ako yung audience na nag-viral ng kinanta ko yung ‘Luha’ ng Aeigis, ‘Tagisan ng Galing’ kung saan ako pumasok sa Top 30 noong 2020,

Bukod sa mga singing contest na nasalihan nito ay nagkaroon din daw siya ng pagkakataong makapag-guest sa ilang tv shows at radio guestings like  sa RJTV kasama ang isa sa hinahangaan niyang singer/actress sa bansa na si  Ms Pilita Corales, Gandang Ricky Reyes, Net 25’s Letters and Music, Barangay LS 97.1, Starbuzz atbp.

2019 daw nang unang ma-release ang first single ni Lae at ito ang awiting “Ito ang Araw“ composed  by Ato Arman under Vehnee Saturno Music Corp. na nasundan ng kanyang second single na “Di Bat Sabi Ko“ composed by Ato Arman, arranged under Loreley Entertainment

Nagkaroon na rin ito ng sarili niyang online concert/fundraising para sa mga biktima ng typhoon Ulysses last Nov. 29, 2020  sa channel 31 at best TV  na nasundan noong Dec. 24, 2020 para sa isang  online christmas concert.

At ngayon nga ay member ito ng sumisikat na  group sa Japan, ang “Asia’s Power Five“ na binubuo nina  Mariah Elizabeth, Eric Diao, Carmela Betonio at Anthony Estrada. Kung saan malapit nang lumabas at mapakingan ang kanilang first single na hindi lang iri-release sa Japan kung hindi sa buong Asya.

Aabangan din ngayong taon ang kanilang upcoming local and international concert ng Asia’s Power Five, bukod pa sa solo show nito sa Channel 31 at  best TV Page at channel 31 and best Tv page Ningas Pinas show and Muse of Music produced  by Loreley Entertainment.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)