Showbiz

Pinagbubuntis ni Coleen ‘di raw ECQ Baby

HINDI na napigilan ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang kasiyahang nadarama sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pagiging mag-asawa, kaya kahapon, May 1, inanunsyo nila aa kanilang Instagram account ang magandang balita na sila ay nakatakda nang maging tatay at nanay!

Yes, more than five months nang buntis si Coleen. December last year pa siya nabuntis at aniya’y early this year nila natuklasan ang pagdadalangtao.

Of course, ang pinakamasaya rito ay si Billy na naringgan noon pa mang ikakasal pa lang sila na gusto niya ay magkaanak sia agad. At ang wish pa nga raw nito ay magkaroon ng maraming anak.

Here’s what Billy and Coleen have to say over their excitement:

Ayon kay Coleen: “It’s been over 5 months now. And just like that, we’re more than halfway through! We found out earlier this year, but I’ve been pregnant since Dec 2019, and it’s been quite a ride since then! Thank you to the friends who’ve been praying for us and checking in on us! We’re beyond grateful for this huge blessing! God is always so good. Excited for us, Daddyyy.”

From Billy: “And just like that, we’re going to be parents! I can’t even express the joy of this day! I’ve been waiting to scream it out to the world. Yes! My gorgeous wife and I are having a baby!!!!! Been praying to God for this, and for years, the answer was “not yet”. Fast forward to today, and God has blessed us in His perfect timing.

“And thank you #myeverything Coleen for bearing with me cause everyone knows I’m the actual pregnant one! Hahaha you’re still sexy, gorgeous, gassy but classy I Love you so much.

“ #Mama PS: we’re 5 months in so it’s not an ECQ baby lol.”

Four months to go at magsisilang si Coleen. Hindi man nila gustong tawaging ECQ baby ito, malaking bahagi pa rin ng pagbubuntis ng aktres ang Quarantine at sa panahon ng Covid-19 niya dinala sa sinapupunan ang baby. (BISTADODAILYNEWS.NET / TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO)