Breaking News, Showbiz

Pinag-uusapan na ang sumisilab na akting nina Cloe at Marco

PINAG-UUSAPAN ngayon pa lang ang ‘Silab,’ the launching movie of Belladonas member Cloe Barreto and Clique V hunky Marco Gomez. Both are under the managerial of Ms. Len Carrillo, and sa pag-venture ng butihing manager into movie production, ito ang kanyang first offering.

            Some weeks ago ay nagkaroon ng pocket presscon ang ‘Silab’ at present doon sina Cloe at Marco. There we saw them personally at nakita namin ang dahilan why Ms. Len chose them to be the first stars on the first movie of 3:16 Media Network Productions. Kasi nga, both possess a striking personality, kapwa matindi ang charisma, at iyong appeal nila, bagay sa pelikulang nagkukuwento tungkol sa init ng pagmamahal, tungkol sa nag-aapoy na damdamin.

            ‘Silab’ is written by Racquel Villavicencio at mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Shot mostly in Batangas, sa tabing karagatan, sa mga eksenang naipapakita sa mga photos ay lutang ang kaseksihan ni Cloe at kamachohan ni Marco. They both sizzle, kapwa nagliliyab, at sumisilab ang angking alindog.

            And what else? Sabi ng mga nakapanood na ng ilang eksena nito, nagkakaisa sila sa obserbasyong parang hindi na raw baguhan sina Cloe at Marco, they both act naturally at sakto raw sa hinihinging eksena. “Nakagugulat na para na silang beteranong umarte!” say pa nila.

            2021 really seems to be the year of sexy films at taon ito ng pagsulputan ng mga nagseseksihan at nagmamachuhang bituin. Ang magiging labanan na lang diyan ay ang acting, karisma sa publiko, at ang staying power. Some will come, and go. But those who will stay are those who are real actors.

            Excited na kaming mapanood ang ‘Silab’ at gusto naming tuklasin kung bakit puring-puri sina Cloe Barreto at Marco Gomez ng mga nauna nang nakasilip ng pelikula.

            Kasama nina Cloe at Marco si Jason Abalos at tatlo silang magpapasilab ng damdamin nating lahat!

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)