Breaking News, Showbiz

Pilot episode ng First Yaya, winner

TALAGA namang tinutukan at pinag-usapan ng buong sambayanan ang world premiere ng pinakabagong GMA primetime series na ‘First Yaya’ nitong Lunes (March 15) kung saan tampok ang fresh and exciting team up nina Gabby Concepcion bilang President Glenn at Sanya Lopez bilang Yaya Melody. 

Bukod kasi sa nakamit ng serye ang third spot sa Philippine Twitter trends sa gabing iyon nakapagtala rin ang ‘First Yaya’ ng overnight NUTAM People rating na 23% mula sa tatlong channels (GMA-7, GMA Heart of Asia, at GTV) base sa data ng Nielsen Phils.

Bumuhos din ang positive feedback mula sa netizens na naantig ang puso sa kwento ni Yaya Melody, “Just watched First Yaya’s pilot episode. The storyline looks so promising! The characters are all relatable. I started losing it when Gemrose and  Melody played the “Ilong2x” game. Grabe na ‘yung iyak ko pilot episode pa lang! Already excited for tonight’s episode! #MeetTheFirstYaya”

‘Wag nang magpahuli sa pinakabagong kaaaliwan at kakikiligang kwento ng ‘First Yaya.’ weeknights, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

                        *****

Las Hermanas’ bagong aabangang Kapuso drama

            Nitong Lunes (March 15) ay naganap na ang virtual script reading ng powerhouse cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Las Hermanas.’

Kabilang sa cast ang nagbabalik-Kapuso at seasoned actor na si Albert Martinez. Makakasama rin niya ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Maraming netizens naman ang excited nang makilala ang iba pang artistang bibida at inaabangan na rin nila ang magiging kuwento ng bagong Kapuso drama series. Ang ‘Las Hermanas’ ay sa ilalim ng direksyon ni Monti Parungao.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)