Breaking News, Showbiz

Phoebe Walker pang-Hollywood na ang beauty

PANG-HOLLYWOOD na nga ang beauty ng Famas Best Supporting Actress at napaka-sexy na si Phoebe Walker dahil nakatakda itong mapasama sa isang International series kung saan makakasama nito ang ilan sa mga sikat na Hollywood stars.

Ayaw pang idetalye ni Phoebe ang tungkol sa nasabing series dahil baka raw maudlot, ikukuwento na lang daw nito ang buong detalye kapag nagsimula na siyang mag-shooting dito next month.

“Next month mag-start na kami sa international series po. Confidential ang details, small role lang po ako pero big project siya” ani Phoebe.

Bukod sa nasabing series ay may isa pang pelikula itong ginagawa under Viva Films at isa pang local series din under Viva na may titulong  “Parang Kayo Pero Hindi“  na nagsimula nang mapanood  sa Vivamax last Feb 12 na isang Romance/Drama.

Kuwento nga ni Phoebe, “Officemate po ako ni Xian Lim dito, parang kami pero hindi, bale no label kay may masasaktan.”

Dagdag pa nito, “Ang name  po ng character ko rito is Emily, sana magustuhan ng mga makakapanood nito kasi maganda talaga yung series na ito namin ni Xian.”

At kahit nga pandemic ay ratsada pa rin sa dami ng proyekto si Phoebe na labis niyang pinagpapasalamat sa Diyos at sa kanyang home studio, ang Viva Entertainment na siyang nangangalaga sa career nito.

            *****

X Factor UK Sephy at Ex-Ms Saigon Ima, guests sa  birthday ni Cecille Bravo

Naging espesyal ang 54th birthday celebration ng celebrity businesswoman na si Tita Cecille Bravo sa pagdalo ng dalawa sa maituturing na Philippines pride at International singers na sina X Factor UK Sephy Francisco at former Broadway Miss Saigon Ima Castro.

Inawit nina Ima at Sephy ang ilan sa mga awiting paborito ni Tita Cecile like “Hanggang,“ “Beauty and The Beast,“ “Never Enough,“  “The Prayer,“ “On My Own “ atbp. Nagbigay aliw din sina Nelly Sotelo at ang La Familia Band.

Kumpleto ang pamilya ni Tita Cecille sa pangunguna ng kanyang very supportive at loving husband na si Tito Pete,  mga anak na sina Irish, Jeru, Matthew, Miguel at Anthony.

Present din ang mga malalapit nitong kaibigan  sa pangunguna ng kanyang bestfriend na si Raoul Barbosa, Ninang Erlinda Sanchez, Benjamin Rosauro Montenegro, Barangay LSFM Dj/Dzbb Anchor Janna Chu Chu, Comedian Shalala, Jeffrey Dizon, Celebrity Designer Raymund Saul and Niño Dominic Angeles, Theng Corbe, Christian Corbe, Kaye, Mark Lua ,Gelo Luna ,atty Liz dela rosa besas at Zander besas at ang  mga masisipag nitong tauhan sa Intele Builders and Development Corporation

Habang naging madamdamin naman ang naging thank you speech ni Tita Cecille bilang pasasalamat sa mga taong dumalo sa kanyang kaarawan.

Wish ni Tita Cecille na magkaroon siya ng malakas na pangangatawan sampu ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay at mas maging maganda ang takbo ng kanilang negosyo ngayong 2021 at sa mga susunod pang taon ng sa ganun ay mas marami pa silang matulungang tao.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)