Breaking News, Nations

PHILIPPINE COVID-19 VARIANT, POSIBLE

KAPAG patuloy na dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa, posible umanong magkaroon na rin ng Philippine variant ang COVID-19.

Ito ang pahayag ni Dr. Cynthia Saloma, direktor ng Philippine Genome Center.

“May possibility na magkaroon din ng Philippine variant subalit, ang possibility na ‘yan, mangyayari lang if the cases are many, kasi ang virus, kailangan niya ng host para siya mag-mutate,” ani Saloma.

Agosto noong nakaraang taon nang unang ma-detect sa bansa ang dominant na variant ng virus na D614G.

Samantala, nagpaalala ang mga eskperto ng mahigpit na pagsunod sa health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Eloise L.)