Breaking News, Showbiz

Pauline at Alex nag-renew sa BeauteDerm, Rhea Tan patuloy sa pagiging inspirasyon

LAST February 5 ay masayang inanunisyo ng President at CEO ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan ang pag-renew ng kontrata kina Kapuso actress na si Pauline Mendoza at ng Bulacan Board Member na si Alex Castro.

Post ng lady boss ng BeauteDerm sa kanyang Facebook: “Another two years with you my babies.”

Sina Pauline at Alex ay bahagi ng mahabang listahan ng BeauteDerm ambassadors/endorsers. Sina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Bea Alonzo, at Dingdong Dantes, ay ilan lang sa big stars na bahagi ng pamilya ng Beautederm.

Si Pauline ay magbibida sa bagong TV series ng GMA-7 titled Babawiin Ko Ang Lahat, na magsisimula sa Feb. 22. Tampok din dito sina John Estrada, Carmina Villaroel, Tanya Garcia, Gio Alvarez, Tanya Gomez, Liezel Lopez, Manolo Pedrosa, Dave Bornea, Therese Malvar, Kristoffer Martin, at iba pa.

Si Alex naman, bukod sa pagiging actor/singer ay isang masipag na public servant bilang Board Member ng Bulacan.

Samantala, sadyang may hatid na inspirasyon sa marami si Ms. Rhea Tan, labis kaming natuwa nang makita namin itong FB post niya na talagang nakaka-inspire:

Posting this to inspire

First pic, bahay namin sa Vigan, 150sq meters. Tatlo ang kwarto. Wala kaming magarang sakyan Simpleng buhay, pero Masaya. Tinuruan ako ng mga magulang ko to be grateful lagi kung ano meron kami. Kumakain ng tatlong beses isang araw. Nabibigay nila gamit na kelangan namin magkapatid. Okay na kami. Masaya na kami. At lagi sinasabi ni mama, wag maiinggit sa kapwa. At lagi magdasal. Kase si Lord lang kakampi natin at makakatulong sa tin.

I was a consistent honor student, kaya alam ko napasaya ko si mama at papa, lagi nanalo sa mga extra curricular activities sa school. Pinag aral nila ako sa magandang unibersidad. Binigyan ng magandang tirahan sa baguio, kaya wala na ko mahiling pa sa mga magulang ko. Sabi ko sa sarili ko someday, yayaman ako. titira sila sa mansion at magiging Donya Pacing at Don Mihing ( sayang nga lang di na naabutan ni Papang ko )

Simple lng pangarap ko nun. Magandang buhay, at bastat may pambili ng mga gusto mga anak ko. Okay na ako.

Pero grabe si Lord! Nakapundar ako ng maraming bahay, at nakaipon na pwede na para sa mga apo ko. (apo agad besh?). At eto na nga ang dream 6 storey. Glass building ko on going na.

Kung nakaya ko makakaya mo din beh…

Sikreto lang nyan. Wag kang manloko at manakit ng kapwa mo. Kase totoo ung karma. Kung ano ginawa mo, maganda or masama babalik sayo.

Un lagi turo saken mama ko, okay lang masaktan. Wag ka lang manakit anak,

Lumaki ako na un lagi nasa puso ko. Kahit dami ako dapa, bangonnnn! Habang may buhay may pag asa.

Lagi nila ako tanong, how did u do it? Di ko alam eh. Alang formula, nangarap lng, pero di lang para saken, pinagppray ko lagi ke Lord, Lord, gawin moko mayaman , i promise, gagawin ko din mayaman ang iba! Gusto ko mabuhay ng may purpose . Gawin lahat ng bagay ng may puso and u will never go wrong. The Ambition became my Mission.

Pag may problema, normal lang yan ghurl! Need natin yan para mas lalo tayong maging matibay, wag mong tambayan ang problema, daanan mo lang! And lagi lumingon sa pinanggalingan, stay humble always and dont forget to share.

Lavannn lang at dasal lagi. If you can dream it, you can do it!

God bless us! Mama Mary loves us!

Grabe talaga! Sino ang hindi mai-inspire sa mga ganitong kuwento?!

Anyway, bukod sa nagsisilbing inpirasyon sa marami si Ms. Rhea, kakaiba rin ang pagmamahal niya sa kanyang Beautederm family, ambassadors o endorsers, resellers at distributors, employees, pati na sa mga taga-media.

Kaya naman sadyang bukambibig ng marami ang kabaitan at kasipagan ni Ms. Rhea, na sure kaming isang role model at gustong tularan ng marami.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)