Breaking News, Business

PATAY SA COVID-19 SA ‘PINAS, 10K NA — DOH

UMABOT sa 64 ang bilang ng bagong namatay sa COVID-19, kaya 10,042 na ang total deaths sa bansa.

Pumalo naman sa 505,939 ang kabuuan ng COVID-19 cases, matapos madagdagan ng 1,862 new cases.

Ayon sa Department of Health (DOH), hindi pa kasali sa mga numero ang ulat ng dalawang laboratoryo na bigong makapag-submit ng datos kahapon.

Samantala, ang Zamboanga City ang nanguna ngayon sa listahan ng mga lugar na may pinakamaraming bilang ng new cases, na umabot ng 206. Sumunod ang Davao City (109), Kalinga (102), Quezon City (77) at Benguet province (74).

Nasa 28,904 pa ang active cases o mga nagpapagaling na pasyente.

Kabilang sa kanila ang 84.9% na mild cases; 7.5% asymptomatic; at 0.39% moderate cases.

Habang umakyat sa 4.5% ang critical cases, at 2.6% ang bilang ng mga severe.

Patuloy ding nadagdagan ng 765 ang total recoveries na nasa 466,993 na. (Eloise L.)