Breaking News, Showbiz

Paolo Ballesteros may  problema sa spine

MARAMING nababahala sa hindi magandang tayo o posture ng Kapuso award winning actor at ‘Eat Bulaga’ Dabarkads na si Paolo Ballesteros kapad napapanood ito sa ‘Eat Bulaga.’

Kaya naman marami ang nagtatanong kung may sakit nga ba ang aktor  at ano ang sakit nito.

Maalala na unang ipinaalam ni Paolo ang kondisyon ng kanyang spine noong 2018 ngunit wala naman daw dapat ipag-alala ang kanyang mga supporters. Inamin ng aktor na meron siyang  herniated  o problem sa spine.

Ipinakita pa ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads ang resulta ng kanyang Magnetic Resonance Imaging (MRI) scan kung saan makikita ang slipped disc sa lower spine niya.

Sa isang health website, ang herniated disc o slipped disc ay, “problem with one of the rubbery cushions (disc) that sit between the individual bones (vertebrae) that stack to your spine.”

Magagamot ito sa pamamagitan ng ilang “strengthening exercise” o “physical therapy for minor cases.” Pero kung malala na, kailangan na itong operahan.

Okey naman daw si Paolo kaya sinabihan niya ang kanyang mga supporters na huwag mag-alala at nagpasalamat din ito sa mga taong concern sa kanyang kalagayan.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)