Breaking News, Business

Panukala sa pagkakabit ng mga kable ng  pasado

Sa pagpapatuloy ng pagsisikap na makapagpasa ng mga batas na

magpapaangat sa kabuhayan ng mga Pilipino, ipinasa ng kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang “Proper Installation and Maintenance of Overhead Electric Distribution and Communication Lines Act.”

Layon ng House Bill 8202, na pangunahing iniakda ni Bataan Rep. Geraldine Roman, na atasan ang mga kompanya ng elektrisidad at komunikasyon na magpatupad ng mga sistema para sa kaligtasan ng buhay at kagamitan, at paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Ang mga kompanya ay minamandato, higit sa lahat, na magsagawa ng madalas na inspeksyon at pagsasaayos ng mga kable sa mga poste at pagtatanggal ng mga kable na wala nang pakinabang at hindi na ginagamit, na kasama sa kanilang mga responsibilidad.

Inaprubahan din ng komite sa ikalawang pagbasa ang HB 8249, na nagdedeklara sa ika-1 ng Pebrero kada taon bilang “National Hijab Day.”

Pangunahing iniakda ni AMIN Party-list Amihilda Sangcopan, layon ng HB 8249 na isulong ang pag-unawa sa mga tradisyon ng Muslim sa pagsusuot ng hijab. (Vina de Guzman)