Breaking News, Showbiz

Pangako ni Karylle: ‘Habang buhay ako sa ‘It’s Showtime!’

IPINAGDIWANG ni Karylle ang kanyang 40th birthday (March 22), sa isang belated birthday celebration sa ‘It’s Showtime’ nitong nakaraang Sabado, April 17. 

Sa nasabing ‘It’s Showtime’ episode, kinanta ni Karylle ang sariling composition na ‘Simula’ kasama ang asawang si Yael Yuzon habang ang kanyang mom, Zsa Zsa Padilla ay nakiawit  din sa isang pre-recorded performance.

Pagkatapos ng song number ni Karylle, agad namang bumati ang kanyang mga co-hosts sa pangunguna ni Vice Ganda.

Sa makahulugang mensahe ni Vice kay Karylle, sana raw ay manatili pa rin siyang host ng ‘It’s Showtime’ para maging tuluy-tuloy pa ang mahigit na sampung taon nilang samahan sa programa.

Ani Vice, “Mahal na mahal natin si Karylle at ang dami na nating pinagdaanan, tayong lahat together. Sana makasama ka pa namin, huwag mo kaming iiwan K, ha.”.

Ipinangako naman ni Karylle na “habang buhay” ay ‘di nito iiwan ang kanyang ‘It’s Showtime’ family.

Nagpasalamat naman si Vice kay Karylle sa sinabing nitong hindi niya iiwan ang ‘It’s Showtime.’ Aminado raw ang ‘unkabogable star’, na baka matulad daw ito kina Billy Crawford, at Direk Bobet Vidanes na iniwan na lang basta ang kanilang programa.

“Salamat at ang sarap marinig sa iyo ng habang buhay, sana panindigan nating lahat.

“Kasi there were times, pinag-uusapan namin na ‘Iiwan kaya tayo ni Karylle?’

“Kasi siyempre, nagkakalagasan, di ba? May mga umaalis, may mga pinipiling umalis, may mga pinipiling umiba ng ganap. Kaya minsan, ‘Si Karylle kaya? Will Karylle stay? Sana hindi tayo iwan ni Karylle.’

“At sana nga, magkasama pa tayo. Gustung-gusto ko pa naming makasama.” litanya ni Vice.

Na mariin ding sinagot ni Karylle, “Habang buhay iyan.”

Pagkatapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa  ‘It’s Showtime,’ ipinost ni Karylle sa kanyang Instagram ang mga flowers na natanggap nito sa ‘It’s Showtime.’

Sa kanyang caption, ipinarating ni Karylle ang kanyang “big love” for Kapamilyas at sa kanyang ‘It’s Showtime’ family.

 “Big love for my Kapamilyas, my dearest Showtime family, my bosses, my co hosts, our staff and crew & of course our Madlang People! Love you all! You sure know how to make a person feel special. Hugs and kisses!”.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)