Breaking News, Showbiz

Panalangin para kay Doris Bigornia

KAYA naman pala ilang araw nang hindi napapanood sa programang ‘SRO’ sa Teleradyo si Doris Bigornia nitong mga nakaraang araw ay nasa bingit pala ito ng matter of life and death?

Bago ang sad news, ikinabahala ng maraming suki ng news program ang pagkawala nito sa ere. Karamihan ay nagtatanong kung nasaan nga ba si Doris? Ispekulasyon tuloy ng ibang netizens, may mali itong inireport at malamang na nasibak o on-leave ang beteranang lady brodcaster?

Pero nitong Martes, sa parehong programang ‘SRO,’ iniulat ng ka-tandem ni Doris na si Alvin Elchico na ang kanyang ‘partner’, ay inatake sa puso at kasalukuyang nasa ICU sa pinagdalhang ospital. Sa nasabing programa, humihingi ng dasal si Alvin para kay Doris dahil sasailalim ito sa open heart surgery sanhi ng kanyang heart attack.

Sabi pa ni Alvin, humingi daw muna siya ng go-signal sa pamilya Bigornia at mismong kay Doris para ireport sa kanilang programa na siya nga’y inatake sa puso.

Pahayag ni Alvin sa kanilang programang ‘SRO,’ “Siya po’y inatake sa puso noong Linggo, at siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU. Kakailanganin po ng open-heart surgery. So ang pamilya po [ni Doris] ay humihingi po ng panalangin.

“Ipagdasal po natin na mapagtagumpayan ni Doris ang susuungin po niyang pagsubok kasi hanggang ngayon (nasa ICU siya). Nakakausap ko siya, conscious po si Doris, pero kakailanganin po niya ‘yong open heart surgery pagkatapos po ng atake sa puso,” malungkot na mensahe ni Alvin.

Ganu’n din ang mensahe ni MJ Felipe, TV Patrol showbiz reporter at kasamahan ni Doris sa pagri-report na agad ding kinumpirma ang ‘di inaasahang trahedya sa kaibigan niyang si ‘Doray’, na field reporter ng TV Patrol.

“Please join us in praying for our very good friend @DorisBigornia as she goes thru heart surgery after suffering a heart attack. Doray, kaya mo yan. Maraming nagmamahal sa yo. Fighting Doray!!! We love you!” ani MJ.

Nagbigay din ng mensahe ang anak na si Nikki Bigornia sa kanyang Twitter, “Stay strong, ma. Maraming nagmamahal sa ‘yo.”

                                                               *****

            10 top-rated shows ng Kapamilya

BILANG regalo sa mga masusugid na tagasubaybay ng 10 top-rated shows ng Kapamilya, mga bagong episodes ang hatid ng Kapamilya na mapapanpod sa loob ng isang linggo. Ang mga programang matututukan sa buong pitong araw ay ang mga sumusunod: primetime seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” pati na ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” at “MMK.”

Ang pinakahuling episodes ng ABS-CBN entertainment shows ay mapapanood saan mang bahagi ng bansa dahil available na ngayon ang mga ito sa loob ng pitong araw sa Kapamilya Online Live sa parehong YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Makakakuha rin ng saya at mahahalagang aral sa weekly talk shows na “Real Talk: The Heart of the Matter” nina Dyan Castillejo, Mikee Cojuangco-Jaworski, at pastor Monique Lopez-Ong, “Lucky’ng Tulong” ni Luis Manzano, at “Showbiz Pa More” ni DJ Jhai Ho sa YouTube.

Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng mga palabas, makakapanood din sa Kapamilya Online Live ng mga minahal na serye gaya ng “Pangako Sa ‘Yo,” “Be Careful With My Heart,” “The Good Son,” “Asintado,” “Ipaglaban Mo,” “Pasion De Amor,” “Honesto,” “Since I Found You,” at game show na “Pilipinas, GKNB?”

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula umaga hanggang gabi habang sa Facebook naman ay may regular na timeslots ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

Bukod sa libreng livestreaming ng shows, maaari ring makipagkwentuhan sa Kapamilya Online Live ang netizens kasama ang ibang mga nanonood sa live chat section at makisali sa chikahan ng Kapamilya stars sa gap shows na ineere tuwing commercial breaks, kagaya ng “Showtime Online U” sa “It’s Showtime,” “Ka-Familiar Online Live” sa “Your Face Sounds Familiar,” “Unscripted” sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “The Breaking Dawn” sa “Bagong Umaga,” at “IbaYanihan” sa “Iba ‘Yan.”

Para naman sa mga gustong balikan ang lahat ng episodes ng iba’t ibang ABS-CBN shows, mag-register lang sa iWantTFC streaming service at i-download ang app nito (iOs at Android) o bisitahin ang iwanttfc.com.

Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at i-like ang Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.

                                                               *****

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ating Tony Awardee, Ms. Lea Salonga ay isa sa mga aktibong nagpa-funding para sa COVID-19 relief efforts sa Pilipinas at maging sa buong mundo simula nang magkapandemya.

Noong  April, 2020, nakalikom si Lea ng mahigit P1-M pesos through a Facebook Live concert which she donated to COVID-19 frontliners.

Noong  August, 2020 , Lea debuted a new song titled “Dream Again.” Lahat ng kinita o profits from the song were donated to charities supporting COVID-19 relief around the world.

Kaya naman noong makarating kay Lea ang ilang netizen na feeling-entitled and have been jumping to the front of the line for COVID-19 testing, nagpahayag ito ng saloobin sa kanyang Twitter..

Saad ng  Broadway star, “Hearing stories of entitlement from friends… folks jumping the COVID testing line because they consider themselves above everyone else. Pati ba naman diyan nagpapauna kayo?

“Please lang! Wait your turn! That is all,” paalala pa niya.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)