Breaking News, Showbiz

 Pagsasapelikula ng buhay ni Joed Serrano, tuloy na tuloy

MARAMING nagtatanong kung tuloy pa ba ang pagsasapelikula ng buhay ng napaka-generous at matagumpay na concert/movie producer na si Joed Serrano na siyang may-ari ng GodFather Productions na siyang nagprodyus ng controversial movie na ‘Anak Ng Macho Dancer’ na pinagbidahan ni Sean De Guzman.

Maaalalang naging controversial at sentro ng usap-usapan sa mundo ng showbiz ang naging pahayag ni Joed na isisiwalat niya ang naging karanasan niya nang nag-uumpIsa pa lamang siya sa showbiz kasama ang mga taong naka-sex niya at wala siyang itatago, kaya naman marami na ang nag-aabang ng nasabing pelikula na may titulong ‘The Loves, The Miracles, & The Life of Joed Serrano’ na digital BL movie, gagampanan ito ni Wendell Ramos as Joed at Charles Nathan (young Joed) at si Direk Joel Lamangan pa rin ang magdidirek.

Tuloy na tuloy pa rin daw ang masabing pelikula at inuna lang nitong gawin ang pelikulang pinagbibidahan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, ang “Kontrabida’ kasama sina award-winning actors Bembol Roco, Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Charles Nathan, Ricky Gumera, Eicel Serrano. Written by Jerry Gracio, with Joed Serrano directed by Adolfo Alix, Jr.

At kahit abala sa shooting ng kanyang mga pelikula ay naisisingit pa rin ni Joed ang pagtulong sa mga taga-industriya ng showbiz kasama ang mga press people lalo na ngayong may pandemya.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)