Breaking News, Nations

PAGGAMIT NG MULTIPLE VACCINE, SAFE RAW — DUQUE

NAKATANGGAP ng impormasyon ang Department of Health kaugnay sa paggamit ng magkakaibang bakuna.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, may mga sumalang na sa paggamit ng tatlong klase ng bakuna sa ibang bansa at wala namang nakitang masamang epekto.

Gayunman, kung dito aniya mangyayari sa Pilipinas ang paggamit ng multiple vaccine, hiwalay itong oobserbahan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente.

Matatandaang una nang itinanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration (FDA), kung maaari pang magpabakuna ng ibang brand ang mga unang naturukan, kapag dumating na sa bansa ang mas epektib.

Sinasabing ilang personalidad na nabakunahan na sa bansa ang nais pa ring sumailalim sa panibagong vaccination, dahil mababa umano ang bahagdan ng pagiging epektibo ng nagamit nilang COVID-19 vaccine. (Eloise L.)