Breaking News, Showbiz

‘Paano Ang Pangako’ may bonggang 5-hour finale marathon sa Black Saturday

BONGGA talaga ang TV5 primetime teleseryeng ‘Paano Ang Pangako’ produced by The IdeaFirst Company and Cignal Entertainment. First time kasi sa Philippine television history na ang isang teleserye ay magkakaroon ng 5-hour finale marathon. Mapapanood ito sa April 3, Black Saturday, 2pm – 7pm sa TV5.

Nagsimula bilang Christmas serye na may titulong ‘Paano Ang Pasko’ ay naging big hit ito. Kaya nagtuloy-tuloy ito gamit ang titulong ‘Paano Ang Pangako’ sa ilalim ng direksyon nina Eric Quizon, Ricky Davao at Perci Intalan. Tampok dito ang all-star cast na kinabibilangan nina Maricel Laxa-Pangilinan, Bing Loyzaga, Beauty Gonzalez, Ricky Davao, Julia Clarete, Ejay Falcon, Elijah Canlas, Matt Evans, Allan Paule, John “Sweet” Lapuz, Devon Seron, Karel Marquez, Miles Ocampo, Desiree Del Valle, Adrianna So, Kyle Velino, Ahron Villena, Cedrick Juan, Mel Martinez at iba pa. Binigyang buhay nila ang kuwento na isinulat ng award-winning writer-director-producer na si Jun Robles Lana.

Masayang-masaya nga ang director-producer ng ‘Paano Ang Pangako’ na si Direk Perci Intalan sa mainit na pagtanggap at tuluy-tuloy na pagsuporta ng viewers sa kanilang teleserye.

“The initial plan was to air a Christmas special through ‘Paano Ang Pasko?,’ but fans and the network realized that the story was so rich it can go beyond 6 weeks, so we extended well into the first quarter of 2021 with ‘Paano Ang Pangako?’” sabi ni Direk Perci.

Never pa nga nangyari sa isang Pinoy teleseryeng magtatapos na ang magkaroon ng 5-hour finale marathon. Aba para ka nang nanood ng dalawang pelikula. Pero ito raw ang paraan ng pasasalamat ng IdeaFirst at buong team ng ‘Paano Ang Pangako’ sa kanilang loyal viewers at supporters. Ani Direk Perci, “This is our way of thanking the viewers for their unwavering support. This is the endgame between the Aguinaldo and Dominante-Cruz families, but for sure we will have viewers at the edge of their seats while they’re watching.”

Ayon pa sa cast sa ginanap na ‘Paano Ang Pangako’ finale virtual mediacon, pinaghirapan daw nilang lahat ang mga eksena sa 5-hour finale kasama ang buong production team upang masiguradong sulit at masisiyahan ang mga manonood sa limang oras na pagtutok.

Mapapanood pa rin ang ‘Paano Ang Pangako’ sa regular airing schedule nito na 7:15pm mula Lunes hanggang Miyerkules ngayong Holy Week. Pahinga muna ng Huwebes Santo at Biyernes Santo. Tapos magaganap na ang historical 5-hour finale marathon nito sa April 3, Black Saturday, mula 2pm hanggang 7pm sa TV5. Viewers can access both TV5 and One Screen via the Cignal Play app. Download for FREE for Android and iOS users.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)