Close Menu
    Facebook X (Twitter) Instagram
    Trending
    • 3 dayuhan arestado sa medical malpractice sa Pampanga
    • P2.3-M NG HOT MEAT NAKUMPISKA, 7 ARESTADO
    • Kano na-fakenews
    • WPS nasakop na
    • Utang na,utang na
    • Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals
    • Mike Tyson inalok ng $700M sa rematch kay Jake Paul
    • Mojdeh magpapasiklab sa juniors
    Facebook X (Twitter) Instagram
    BISTADO DAILY NEWS
    • HOME
    BISTADO DAILY NEWS
    Home»NEWS»LOCAL NEWS»P2.3-M NG HOT MEAT NAKUMPISKA, 7 ARESTADO
    LOCAL NEWS

    P2.3-M NG HOT MEAT NAKUMPISKA, 7 ARESTADO

    dambrocio1958By dambrocio1958August 22, 2025Updated:August 22, 2025No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Arestado ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong “hot meat” sa isang truck sa isinagawang operasyon sa Marilao, Bulacan kamakalawa.

    Batay sa ulat ni Police Lt.Colonel Jordan G. Santiago, hepe ng Marilao MPS, bandang alas-10:30 ng gabi, habang nagsasagawa ng roving patrol ang Barangay Peacekeeping and Action Team (BPAT) ng Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao ay kanilang naaktuhan ang isang wing van truck na may plakang plaka NHE4570, na na naglilipat ng hinihinalang double-dead meat sa isang refrigerated van na may plakang CBP1065).

    Agad nilang ipinaalam ang insidente sa National Meat Inspection Service (NMIS) at sa Marilao Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

    Nasamsam sa operasyon ang 435 kahon ng hot meat na tumitimbang ng humigit-kumulang 12,500.8 kilo at tinatayang may halagang Php 2.3 milyon.

    Ang mga nakumpiskang double dead na karne ay pansamantalang itinurn-over sa Marilao MPS at kalaunan ay ilalagak sa NMIS para sa tamang disposisyon.

    Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang kasong kriminal para sa paglabag sa R.A. No. 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines) na isasampa sa tanggapan ng panlalawigang piskal sa Malolos, Bulacan.

    Pinuri ni Bulacan Police Provincial Director PColonel Angel L Garcillano ang mabilis na koordinasyon ng BPAT ng Brgy. Sta. Rosa 1, NMIS, at Marilao MPS na nagbunga ng pagkakaaresto ng mga suspek.

    Tiniyak din niya sa publiko na lalo pang paiigtingin ng Bulacan PNP ang operasyon laban sa pagkalat ng delikado at ilegal na karne upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.(DG)

    featured TRENDING
    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Previous ArticleKano na-fakenews
    Next Article 3 dayuhan arestado sa medical malpractice sa Pampanga
    dambrocio1958
    • Website

    Related Posts

    3 dayuhan arestado sa medical malpractice sa Pampanga

    August 22, 2025

    Kano na-fakenews

    December 8, 2024

    Utang na,utang na

    December 8, 2024
    Leave A Reply Cancel Reply

    • Facebook
    • Twitter
    • Instagram
    • Pinterest
    About
    About

    Your source for the lifestyle news. This demo is crafted specifically to exhibit the use of the theme as a lifestyle site. Visit our main page for more demos.

    We're social, connect with us:

    Facebook X (Twitter) Pinterest LinkedIn VKontakte
    From Flickr
    Ascend
    terns
    casual
    riders on the storm
    chairman
    mood
    monument
    liquid cancer
    blue
    basement
    ditch
    stars
    Copyright © 2017. Designed by ThemeSphere.
    • Home
    • Buy Now

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.