Magpapalit na ng import ang Terrafirma sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Kasama si Ryan Richards, walang naipanalo ang Dyip sa unang tatlong laro sa midseason conference. Huli silang nabalaho sa NLEX 104-85 nitong Martes sa Ninoy Aquino Stadium.
Nakalistang 6-foot-6, 225lbs, si Edwards sana ang ipapasada ng Dyip noong Governors’ Cup. Kaya lang, isang linggo bago ang season-opening tournament ay inabot ng knee injury ang 33-year-old American.
“Friday, hopefully, nandito na ‘yung import namin,” ani coach Raymond Tiongco.
Sa parehong araw din ang susunod na laro ng Terrafirma laban sa Meralco sa Malate venue.
Unlimited height ang imports sa kasalukuyang torneo, medyo maliit si Edwards pero gamay na niya ang laro ng Dyip.
Dito siya sa Manila nag-rehab ng injury, nakiki-ensayo pa sa Terrafirma.
“Kaya ko siya kinukuha kahit undersized kasi alam niya na ‘yung sistema namin,” dagdag ni Tiongco.
Nag-retire na si Christian Standhardinger, si veteran big Vic Manuel ang frontliner ng Dyip.
Nakuha sina Terrence Romeo at Manuel mula San Miguel sa trade para kina Juami Tiongson at Andreas Cahilig.
May injury pa si Romeo, hindi pa naglalaro sa bagong team.