Business

Oil price hike ikakasa

NAKATAKDANG magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto.

Aabot sa P1.05 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.75 ang itataas sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.60 ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Magiging epektibo ang panibagong oil price hike simula Martes Abril 16 ng 6:00 ng umaga. Sara Jacob