Breaking News, Showbiz

Official trailer ng ‘Silab’ lumabas na, pinuri ng netizens

LUMABAS na kagabi (April 23) sa YouTube channel ng 3:16 Media Network gayundin sa Facebook ang official trailer ng inaabangang pelikulang ‘Silab’ directed by Joel Lamangan.

Trailer pa lang pero kita mo na ang husay sa pag-arte ng bidang si Cloe Barreto. Kaya nga puring-puri siya ni Direk Joel. Hindi kami magtataka kung si Cloe na ang maging next actress to watch sa showbiz bukod pa sa susunod na Pantasya ng Bayan dahil sa kanyang kaseksihan.

Bongga rin siyempre ang leading men ni Cloe na sina Jason Abalos at Marco Gomez. Pagdating sa aktingan hindi talaga made-deny ang galing ni Jason. Pero si Marco talagang may ibubuga rin sa kanyang big break sa pelikula. Naku, siguradong aabangan din ang butt exposure at machong katawan ni Marco na sa trailer pa lang ay may pasilip na.

Bukod sa maiinit at sumisilab na mga eksena ni Cloe kina Jason at Marco, must-watch din ang pakikipagtagisan ni Cloe ng aktingan sa beteranang aktres na si Chanda Romero. Kabog na kabog ang mga linyahan nilang dalawa sa movie.

Samantala, pinuri rin ng netizens ang trailer ng ‘Silab’ gayundin ang cast nito.

Ayon nga kay Janine Elizabeth Tarac, “Grabe trailer pa lang super ganda na at ang galing ng cast. Congrats Direk Joel!”

Sabi pa ni Margaina Sister, “ang ganda ng trailer… Kaabang-abang talaga!”

Pinuri naman sina Marco at Cloe ni RobinObispoTV, “Potential na maging importanteng aktor sina Marco Gomez and Cloe Barreto.”

Kasama rin sa cast sina Lotlot de Leon, Quinn Carrillo at Karl Aquino.

Produced by 3:16 Media Network, ang ‘Silab’ ay malapit na malapit nang mapanood. Sa ngayon, panoorin ninyo muna ang trailer sa YouTube channel ng 3:16 Media Network.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)