Breaking News, Showbiz

Nora pinaghahandaan nina Charles, Ricky at Miko

SA ginanap na story conference kamakailan ng Godfather Productions ni Joed Serreno para sa ‘Kontrabida’ na follow-up movie nila sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay hindi pa rin makapaniwala sina Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte na kaharap na nila ang buong cast ng pelikula lalo na ang superstar na si Nora Aunor kung saan na-starstruck ang tatlo habang nakaupo sa presidential table na hudyat na tuloy na tuloy na ang paggiling ng kamera sa naturang obra na ididirehe ni Direk Adolf Alix, Jr.

Excited na ang tatlo na makaeksena sina Jaclyn Jose, Bembol Rocco at Rosana Roces na kasama rin sa movie. Pero mas pinaghahandaan daw nila lalo na itong si Nathan ang magiging eksena nila ni Mama Guy dahil mata pa lang nga nito’y umaarte na at tiyak na maiiinggit daw ang mga nanay at lola ng tatllong bagets kapag nalamang kasama na nila ang superstar sa pelikula dahil idol ng mga ito si Mama Guy.

Pero una munang may mga pasabog ang tatlo sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na ipalalabas na sa January 30 ng taong kasaliukuyan mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

So tuluy- tuloy na ang pabongga ng bagong Mega Producer na si Joed Serrano at ng kanyang Godfather Productions. Talbooog!!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)