Breaking News, Showbiz

Nora Aunor dream ma-interview ng Hollywood blogger-podcaster na si MJ Racadio

INAMIN ng Hollywood blogger at podcaster na si MJ Racadio na sa movie icons ng Pilipinas ay dream niyang ma-interview ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor para sa kanyang ilu-launch na podcast show na Blogtalk with MJ Racadio sa ilalim ng Cut! Print. Podcast Network.

“She’s a legend in the Philippines. She brought so many international awards for our country. I want to interview her as a person not just as a Superstar. I want to know more of her struggles and her personal life,” sabi ni MJ sa Zoom presscon at podcast hosted by Jett Pangan. Nakasama nila sa podcast si Ms. Patsy Ferrer ng Cut! Print. Podcast.

Kilala rin si MJ bilang isang award-winning social media reporter, EBC international correspondent, celebrity blogger, publicist at singer. Pitong taon na siyang naninirahan sa Amerika at nakagawa na rin ng sarili niyang pangalan doon bilang miyembro ng Los Angeles Press Club. Nakadalo na siya sa iba’t ibang International events. Daan-daan na rin ang na-interview niyang local at international celebrities gaya nina Bruno Mars, Darren Criss, at Steve Harvey.

SI MJ din ang nagpasimula ng 75 Most Influential Filipino-Americans. Binuo niya raw ang inaabangang listahang ito dahil aniya, “Because I wanted everybody to know about Filipinos that make it big in the US. I want the hard work of Filipino-Americans in the US to be recognized.”

Nataon nga ang paglulunsad ng Blogtalk with MJ Racadio sa nalalapit na selebrasyon ng Filipino-American History Month sa Amerika. Thankful nga si MJ sa Cut! Print. Podcast sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging isa sa podcasters nito.

” It’s an amazing experience. It’s an honor to be a part of Cut! Print. Podcast,” ani MJ.

Bukod sa Blogtalk with MJ Racadio, ang Cut! Print. Podcast ay tahanan din ng iba pang chart-topping podcast shows gaya ng Sleeping Pill with Inka Magnaye (#1 on Spotify), Jett’s Talk Show (hosted by rock legend Jett Pangan), It’s the Round Table (hosted by Brian Bonnie), Pop Emergency (hosted by Alwyn and Adrian), Covert Operations (hosted by Spade JM, V and Kurt Garcia), Jeck Talks Tech at marami pang iba.

Mapapanood weekly ang ‘Blogtalk with MJ Racadio’ sa Cut! Print. Podcast Network.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)