Breaking News, Showbiz

New Year, New Rediscoveries video ng PLDT Home kinagigiliwan sa YouTube

KINAGIGILIWAN ngayon ng maraming manonood sa YouTube ang bagong video ng PLDT Home na ‘New Year, New Rediscoveries | Stories at Home.’ Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit sa 2.3 million views ang unang bersyon na 15-second video habang ang full video nito ay mayroon nang mahigit sa 12 thousand views. 

Kuhang-kuha kasi ng naturang video ang puso ng mga Pinoy lalo na sumasalamin dito ang mga naranasan nating pagsubok noong 2020 dulot ng COVID-19 pandemic kung saan naapektuhan ang pamumuhay ng lahat.

Tunay na very challenging ang 2020 pero na-realize ng mga Pinoy sa panahong ito kung ano ang pinakaimportante sa lahat at nagbibigay kahulugan sa ating buhay – ang PAMILYA at TAHANAN.

Sa pagsalubong natin sa 2021 na puno ng pag-asa, tinipon naman ng PLDT Home ang koleksyon ng mga kuwento noong 2020 na nagbibigay inspirasyon at nagpapakita ng lakas ng pamilyang Pinoy at mga natutuhan nilang kaalaman at karanasan upang maipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng matinding pagsubok.

Nabubuhay tayo ngayon sa tinatawag na ‘New Normal,’ na kakaiba sa ating nakasanayan. Naging pangunahing pangangailangan sa bawat tahanan at bawat pamilya ang pagkakaroon ng mas malakas na Internet at online connections. Kinailangan ito dahil na rin sa pag-iral ng online learning, online shopping, office video call meetings, and next level opportunities for business: digital or online selling. Pati nga sa showbiz ay umiiral na rin ang virtual presscons, mediacons at events.

Nag-evolve din ang entertainment sa bahay – tinangkilik ng marami ang Tiktok kaya pati ang mga lolo at lola ay sumakay na rin sa Tiktok craze. Dumami ang nanonood ng mga pelikula at series sa Netflix gayundin ng Korean dramas at movies sa Viu. Maging ang mga magulang ay natuto na rin sa kanilang mga anak ng paglalaro ng Mobile Legends at iba pang online games at esports.

Sa gitna ng pangangailangan ng strongest connections at home, umasa ang maraming pamilya noong 2020 sa PLDT Home upang mabigyan sila ng reliable digital connectivity para sa online learning ng kanilang mga anak, set up home offices, build and rebuild businesses through online platforms, at iba pa.

Sa bagong video ng PLDT Home na ‘New Year, New Rediscoveries | Stories at Home’ na-highlight ang importance ng connection between families – na nagbubuklod sa pamilya at nagbibigay pag-asa at kahulugan. Sa kabila ng mga pagsubok, naging matatag ang bawat miyembro ng pamilya, mas nagkaroon ng bonding moments at constant connections sa bawat isa malapit man o malayo ang minamahal. Ang PLDT Home video ay nagpapakita ng katatagan ng pamilyang Pinoy at kakayahang mag-adapt at mamuhay sa New Normal. Nagbibigay rin ito ng bagong pag-asa sa mga maaari pa nating kaharapin ngayong 2021.

Mapapanood ang ‘New Year, New Rediscoveries | Stories at Home’ video sa YouTube channel ng PLDT Home.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)