Breaking News, Showbiz

New normal #FreeHugs ng Psalmstre pangungunahan ang 2021 campaign

IBINABALIK ng Psalmstre Enterprises, Inc. ang #FreeHugs nationwide campaign upang pangunahan ang ilan pang consumer campaigns ng New Placenta anti-aging soap para sa taong kasalukuyan. Ito ang ibinahagi ni Jaime V. Acosta, president at CEO ng PEI, nitong Martes, Pebrero 9.

Pangungunahan ni Stephany Stefanowitz, Miss Earth-Air 2012 and New Placenta endorser for eight years ang #FreeHugs kasama si Sarah Margarette Joson, beauty queen at ambassador ng Jim&Jel soap, ang bagong brand na dinisenyo ng Psalmstre para sa masa.

Sa panahong ipinaiiral ang social distancing, sabik ang mga tao sa social connection kaya’t napapanahon ang pagbabalik ng #FreeHugs ‘in the new normal’ kung saan tuwa at ngiti ang hangarin sa pagbibigay ng libreng produkto at mga papremyo.

“Ikinatutuwa kong ibahagi sa inyo na ibinabalik namin ang #FreeHugs. Ito ay paraan namin para pasalamatan ang mga consumers sa patuloy nilang pagsuporta sa New Placenta at Jim&Jel products. Sa kabila ng mga pagsubok dulot ng pandemya, nananatili ang kanilang suporta.

“Ang #FreeHugs ay isa sa aming longest-running promotional campaigns, at dahil na rin sa hiling ng mga consumer, ibinabalik namin ang mas masayang #FreeHugs kaakibat ang mas exciting na giveaways at raffle prizes,” pahayag ni Acosta.

Ang New Placenta anti-aging beauty soap ay patuloy na tinatangkilik sa loob ng 21 taon dito sa bansa at maging sa Middle East, USA, Hongkong at Malaysia. Ang Jim&Jel soap variants na Glutathione, Kojic at Carrot naman ay ginawang mas affordable para sa masang Pinoy.

Ang anunsiyo para sa #FreeHugs promotional schedules ay makikita sa Psalmstre official Facebook page.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)