Breaking News, Showbiz

Netizens napa-wow sa kaseksihan ni Andrea Torres 

NAPA-‘SANA ALL’ talaga ang fans at netizens sa latest pasabog ng Kapuso actress na si Andrea Torres matapos niyang ibahagi sa social media kamakailan ang kanyang flat abs at mas pina-sexy na figure.

Agad na umani ng positive comments ang post mula sa kapwa niya celebrities at mga tagahanga. Kasama sa mga pumuri kay Andrea ang kanyang fellow Kapuso artists na sina Sanya Lopez, Chynna Ortaleza, Arny Ross, at Gabby Eigenmann.

Samantala, malapit na ring bumalik si Andrea sa TV via the upcoming drama series “The Legal Wives” sa GMA Telebabad. Isa siya sa makakatambal ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo rito. Abangan!

                        *****

            Thea Tolentino kakalabanin si Kelvin Miranda?

MUKHANG magiging mainit at katakam-takam ang kumpetisyon na mangyayari sa pagitan nina Thea Tolentino at Kelvin Miranda sa ‘The Lost Recipe’ na mapapanuod na sa GMA News TV simula ngayong Lunes (January 18). Rivals sa restaurant business ang mga karakter na gagampanan nina Thea at Kelvin.

“Ako po dito si Ginger Romano. Family namin ang direct competitor ng restaurant ni Kelvin. Magfo-focus ang character ko sa pakikipag-compete talaga sa food industry dahil kami ang leading restaurant na may masarap na adobo. At gagawin ng family namin ang lahat para matalo ang restaurant ni Kelvin,” share ni Thea tungkol sa kanyang role.

Marami na ang nag-aabang sa newest fantasy-romance series mula sa GMA Public Affairs. Gandang-ganda rin ang netizens sa full trailer ng series. May ilan ding nagkukumpara sa ‘The Lost Recipe’ sa look at feel ng mga KDrama na patok na patok pa rin sa mga Pinoy. Ang kagandahan nga raw sa The Lost Recipe ay ibibida naman nito ang mga makasaysayang landmark ng Maynila bukod pa sa  mga masasarap na Filipino food tulad ng adobo.

Pero kaninong adobo kaya ang mananalo? Kay Chef Ginger o kay Chef Harvey?

Abangan ‘yan sa ‘The Lost Recipe’ simula na ngayong Lunes, 8 p.m., sa GMA News TV.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)