Breaking News, Showbiz

Naglalagablab sina Cloe Barreto at Marco Gomez!

IPINAKILALA na sa press people ang dalawa sa pinakabagong bituin ngayon – sina Cloe Barreto at Marco Gomez – kapwa members ng all male/female group, si Cloe ay sa Beladonnas at si Marco ay sa Clique V.

            Iisa lang ang manager ng kani-kanilang grupo, si Ms. Len Carillo, na from managing the all male/female group ay nag-venture na sa pagpo-produce ng pelikula, at ang unang project ay ang ‘Silab’ na ang mga bida ay sina Cloe at Marco!

            And what else? Cloe and Marco are both lucky dahil ang launching movie nilang ‘Silab’ ay idinirek ni Joel Lamangan at isinulat ni Racquel Villavicencio. Shot mostly in Batangas, inamin nina Cloie at Marco na ibinigay nila ang lahat nang hiniling ng direktor para sa kanilang role. Pinaglagabab daw nila ang mga eksena!

            Cloe is 20 and Marco is 22. Ang turingan nila sa isa’t isa ay magkapatid dahil nga nasa iisang kuwadra lang sila ni Ms. Len, at dahil nga gamay na nila ang isa’t isa, naging magaan na para sa kanila ang trabaho. When asked kung hindi ba sila nagkainlaban o posibleng magkainlaban, kapwa ‘NO’ ang sagot nila. Anila’y mas nangingibabaw ang turingang magkapatid sa kanila.

            Cloe is single, at aminadong crush niya si Jason Abalaos. Hindi pa man daw niya nami-meet ang aktor, matagal na raw niya itong crush. Si Jason ang gumaganap na ka-triangle nila sa movie.  Kaya tinanong namin siya kung sakaling ligawan siya ng aktor, tatanggapin ba niya?

“Naku, hindi po, crush ko lang siya, ayaw ko pong ma-bash!” Alam din kasi niyang may girlfriend si Jason na isang beauy queen.

Marco naman says na si Ivana Alawi ang kanyang crush, “Maganda kasi siya, iba ang dating. Titig pa lang ng mga mata, kakaiba na, e!” aniya.

Sa kausuhan ngayon ng mga seksing pelikula na ang  mga bida ay tulad nilang mga baguhan sa showbiz, ang bentahe ay ang katapangan sa pagpapakita ng katawan at pagiging palaban sa mga lovescenes. Nang tanungin namin sila kung gaano sila ka-daring at ka-game sa mga nakakikiliting romansahan, sabay nilang sinabing panoorin na lang daw natin ang movie, pero tinitiyak nilang hindi mabibigo ang manonood sa mga gusto nilang asahang eksena.

Noong isang araw pa lamang natapos ang shooting ng film at nasa post production na ito. Sa mga susunod na araw or weeks, magpapatawag muli ito ng presscon para sa pagpapahayag kung kailan ito ipalalabas para matunghayan na ng publiko kung paanong sisilab at maglalagablab ang maiinit na eksena nina Cloe, Marco!

Good luck, Cloe and Marco!

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)