Breaking News, Showbiz

Ms. Vilma Vitug nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa kanyang Vlog

NAKILALA ang aktres na si Vilma Vitug sa mundo ng showbiz noong dekada otsenta sa mga ilang pelikulang ginampanan nito tulad ng ‘Hanggang Sa Huling Bala’ (1984), ‘Kung Tawagin Siya’y Animal’ (1984) at ‘Forgotten Warrior’ (1986), ngunit nabago ang kapalaran niya nang lisanin ang Pilipinas at sa Amerika na nanirahan at nagkapamilya

Vilma Vitug Jennings ang buong pangalan ng dating aktres at may tatlong anak na sina Rindy, Sam at bunsong si Trisha. Mas kilala siya ngayon na Ms. V sa kanyang mga followers sa Youtube at Facebook page, at kahit naka-base na ngayon sa Amerika ay nagbibigay-saya, pag-asa at inspirasyon sa kanyang mga followers sa youtube channel na Vjen Passion at FB pages na Vilma Vitug.

Nasa puso na ni Ms. V ang mag-share ng blessing sa iba at sa kanyang mga kababayan dahil alam nito ang hirap ng buhay sa Pilipinas

Ani Ms. V sa kanyang ilang FB live, na ‘di dapat baguhin ng pera ang pag-uugali ng isang tao at makibagay sa lahat, mayaman man o mahirap at ‘di dapat pinipili ang kaibigan meron man ito o wala

Pinatunayan ‘yan ng kanilang pagkakaibigan nina Pia Moran na mas kilala na Miss Body Language noon at ni Ms. Irene Celebre na hanggang ngayon ay matatag ang pagkakaibigan kahit malayo sa isa’t isa.

Sa darating na february 1st ay magkakaroon ulit ng exciting na palaro si Ms. Vilma Vitug na nag-umpisa pa last year na nagpamigay na ng brand new Iphone11 sa grand winner at mga exciting prizes na branded na kagamitan at last Christmas at New year ay nagkaroon siya ng exciting games and surprises sa kanyang mga follower sa Youtube at facebook na ikinatuwa ng maraming nanalo dahil walang umuwing luhaan at lahat ay nagkaroon noong nakaraang pasko at bagong taon

Para sa mga nais sumali at mag-join sa pa games ni Ms. V, kailangan munang mag-subscribe sa kanyang YouTube Channel na VJen Passion at follow or like lang ang Facebook page na Vilma Vitug at naroon na ang buong detalye sa kanyang FB page .

(STARS EVENTS by MIKO CAYAGO / BISTADODAILYNEWS.NET)