Opinion

Misting showers with disinfectant kontra NCov

WALA pa ring novel coronavirus sa Pinas.

Yipeee!

—–$$$—

INIHAHANDA na rin ng gobyerno ang pasilidad sakaling biglang magkaroon kumpirmasyon na nakapasok ang NcoV.

Malaki ang tama ninyo.

—–$$$–

PATULOY ang pananakop ng NcoV sa iba’t ibang bansa.

Daig nito ang atomic bomb.

Invisible ang mga virus na papatay hindi lang sa sundalo—bagkus ay maging sa mga ehekutibo ng gobyerno at ordinaryong mamamayan.

—–$$$–

NAGMULA sa hayop ang mga pambiihirang virus ng China.

So sobrang “salaula” ng mga Tsino—ang temperature tao ay hindi nalalayo sa hayop—kaya’t mabilis na nagmu-mutate ang mga ito.

—–$$$–

SIMPLE lang ang pangontra sa ConV.

Maligo nang 3 beses maghapon—pagkagising at bago matulog.

Maghugas ng kamay, gumamit ng sabon at alcohol nang paulit-ulit.

Ganyan lang.

—–$$$–

DAPAT ay gumawa ang gobyerno ng “disinfectant corner” sa mga bangketa.

Ibig sabihin, maglagay ng “mist shower” na may disinfectant sa bawat “entrance at exit” ng mga establisimyento.

—–$$$–

PWEDENG ipatupad ang estilo sa mga poultry at piggery—ang bawat papasok at lalabas na tao—ay tumatapak sa “may tubig na may disinfectant”.

Pero, mas okey—kung may “mist shower” na ang “ambon”—o mahinang simoy ng tubig—ay  may disinfectant formula.

—–$$$—

WALANG praktikal na aksiyon ang gobyerno kontra sa posibleng massive na atake ng virus.

Dapat itong paghandaan—gamit ang improvised mist shower.

Kumbaga, imbes na kapkapan o magdaan sa metal detector—daraan muna ang mga tao sa entrance na may “mist shower” na may disinfectant.

Inobasyon ito na pwedeng kopyahin ng buong mundo pero dapat simulan sa Maynila.

(BISTADO NI KA AMBO daily column. Bulgar newspaper for January 29, 2020 issue. UNEDITED)