Breaking News, Showbiz

Miles Ocampo pag-aagawan nina Elijah Canlas at Kyle Velino sa ‘Paano Ang Pangako?’

TUMITINDI pa lalo ang mga kaganapan sa TV5 primetime series na ‘Paano Ang Pangako?’ sa pagpasok ng mga bagong karakter na ginagampanan nina Miles Ocampo at Kyle Velino na magiging ka-love triangle ng bidang si Elijah Canlas.

Sa istorya, pag-aagawan nina Elijah (Noel) at Kyle (Drake) si Miles (Isabel). Feeling ang haba nga ng hair ni Miles. Pero thankful siya kina Elijah at Kyle na tinutulungan siya sa kanilang mga eksena.

“I’m very thankful na sina Elijah at Kyle ang mga kaeksena ko kasi syempre hindi mo naman pwedeng i-take yung lahat ng credit sa magandang performance. Lagi kang huhugot sa kaeksena mo kaya ang sarap na ganito yung mga katrabaho ko po, sina Elijah, Kyle and everybody po sa cast. Very supportive po silang lahat,” sabi ni Miles.

Pero paano nagagampanan ni Miles na maging parte ng love triangle gayung No Boyfriend Since Birth o NBSB pa siya?

“Sabi po ni Lord sa akin, ‘Sige hindi mo pa mararanasan sa totoong buhay, sa teleseryeng ito ibibigay ko sa iyo dalawa,'” biro niya. “Maganda rin pong experiment for me kasi syempre hindi ko pa nararanasan yung mga sweet-sweet na eksena. Okay naman po, na-enjoy ko naman po yung mga scenes namin.”

Puno naman ng papuri sina Elijah at Kyle para kay Miles na first time nilang makatrabaho.

“Si Miles po nakaka-pressure katrabaho kasi po magaling po talaga. Masarap din siyang kausap kasi may lalim po and nakakatuwa kasi marami po kaming similarities,” ani Elijah.

Ayon naman kay Kyle, “Na-enjoy ko naman po kahit na ito yung una naming pagtatrabaho ni Miles. Kahit kasi pareho kaming taga-ABS-CBN dati hindi po kami nagkaroon ng pagkakataon magkatrabaho. Okay naman po, marami po akong natututunan kay Miles.”

Nagiging close man silang tatlo sa totoong buhay, ibang klaseng mga eksena naman ang mapapanood sa kanilang love triangle sa serye.

Handog ng The IdeaFirst Company at Cignal Entertainment, sa ilalim ng direksyon nina Eric Quizon, Ricky Davao at Perci Intalan, ang ‘Paano Ang Pangako?’ ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 9pm sa TV5.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)