Breaking News, Showbiz

Miguel at Ysabel gaganap na Steve at Jamie sa ‘ Voltes V: Legacy’

IPINAKILALA na ang mga gaganap bilang Steve Armstrong at Jamie Robinson ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network nitong Miyerkules (Pebrero 10) sa ‘24 Oras.’ 

Matapos patunayan ang kanyang husay at dedikasyon sa pag-arte mula sa kanyang mga pinagbidahang drama series, handa na si Miguel Tanfelix sa kanyang biggest role to date – ang karakter ni Steve Armstrong na tumatayong leader ng Team V5.

Mensahe ni Miguel para sa fans ng Voltes V, “Babalik ang pagkabata n’yo habang nanonood kayo ng Voltes V at sa mga kahenerasyon ko, ngayon ipaparanas namin kung ano ang nararamdaman ng mga nanay at tatay n’yo before habang nonood sila ng Voltes V but with a different flavor. Very exciting. Ipaparamdam namin sa inyo ang lungkot, saya, epicness, at marami pa pong iba.”

Samantala, ang promising Kapuso actress na si Ysabel Ortega naman ang napiling gumanap para sa role ni Jamie Robinson na nag-iisang babae sa Team V5.

“Voltes V has a lot of meaning to its story. It’s not just about family, it’s also about fighting for what you believe in, serving your country, and being a hero in your own way. I would love to be someone who is in that position to inspire a lot of people,” ani Ysabel.

Makakasama nina Miguel at Ysabel na bubuo sa Team V5 sina Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at Rafael Landicho bilang Little Jon Armstrong. Let’s volt in na, mga Kapuso!

                        *****

            ‘The Richard Yap Love Story’ sa MPK

            Isang kuwento ng pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala. Pagpili sa pagitan ng pamilya at minamahal. Ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki.  Alamin ang mga pinagdaanang hirap masunod lamang ang puso.

 Tunghayan ngayong Sabado, araw ng mga puso ngayong February 14,  ang masalimuot na pagmamahalan nina Richard at Melody na pinamagatang “The Richard Yap Love Story.”

Pinagbibidahan ito ng mga Kapuso stars na sina David Licauco at Shaira Diaz.

Sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco, at matinding pananaliksik ni Angel Launo.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)