Breaking News, Showbiz

Migo Adecer, 6 years nang nananatiling loyal Kapuso

ANIM na taon nang solid na Kapuso si Migo Adecer; siya ang Ultimate Male Survivor ng Season 6 ng Starstruck.

Ano ang dahilan at nananatili siyang loyal sa GMA Network?

“Honestly there’s nowhere else I’d rather be than here at GMA,” simpleng sinabi ng binata.

Isa si Migo sa mga artistang sa kabila ng pandemya na hatid ng COVID-19 ay nagtrabaho; isa siya sa mga cast members ng ‘Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday’ na sumabak sa lock in taping para kumpletuhin ang mga episodes ng naturang teleserye ng GMA.

Mabuti naman at napapayag si Migo na magtrabaho sa panahon ng pandemya?

May ilang artista na ayaw mag-taping o mag-shooting hanggang walang bakuna labaan sa coronavirus.

“Since everyone gets swabbed, it’s less nerve-racking to work in the pandemic we’re in.

Other than lock in tapings, things haven’t really changed at all,” pahayag ni Migo.

At sa sitwasyon ng buong mundo ngayon, nakalulungkot na maraming kabataan ang nakakaranas ng depresyon at anxietry attack dahil na rin sa takot sa virus at sa mahirap na sitwasyong hindi makalabas ng bahay ang karamihan.

Nakatutuwa namang isipin na si Migo,  ay hindi dumaan sa depresyon at problema sa mental health.

Paano ito naiwasan ni Migo?

“I spent quality time with my loved ones.”

At base naman sa mga Instagram photos ni Migo, hindi lamang ang mental health niya ang nasa maayos na kundisyon, maging ang kanyang physical health ay nasa tiptop shape!

Regular kasi kung mag-workout si Migo, kaya naman namumutok ang mga masel ng Kapuso hunk!

“I just have a fear of being overweight and unmotivated. I just can’t live with myself if I let myself get obese so I work out to ensure good health and physique,” sinabi pa nito.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)