Breaking News, Showbiz

Mhack Morales:Makalaglag-panty at brief !

NAKAKALAGLAG-brief at panty ang sex appeal ng isa sa main cast ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na si Mhack Morales. Lalo pang hahanga ka sa kanyang kahubdan sa kanyang sexy dance number na walang keber niyang ibinuyangyang  sa harap ng  inimbitahang  entertainment media  sa Simons Supreme Resto Bar along Tomas Morato corner Kamuning Road, Quezon City noong Biyernes ng katanghalian, Enero 8, 2021.

Ang baguhang aktor ay iba’t ibang  trabaho ang ginawa para matulungan ang kanyang mga magulang ganun  din ang pag-aaral para makaahon sa hirap. Hanggang siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Nang makausap ko si Mhack sa nasabing event, aniya.  dati  siyang nagtrabaho sa isang gay bar sa Pasay bilang isang guest relations officer, nag-mascot (nagku-clown) at naging basurero habang siya’y nag-aaral.

Ngayon, isa nang guro si Teacher Mhack Morales at mapapanood ng kanyang mga estudyante at kapwa guro ang una niyang movie, ‘Anak Ng Macho Dancer.’ Siguradong  aabangan ng mga ito ang kanyang front nudity. Para kay Mhack, trabaho lang!

Dagdag pa nito, stop muna sa pagtuturo si Sir Mhack  dahil  sa pag-aartista muna ang kanyang haharapin.

Speaking of frontal nudity, may karapatan ba siyang ibuyangyang ang kanyang kahubdan?

Anito, hindi naman sa size nasusukat kungdi sa performance kapag sex ang pag-uusapan!

Samantala, ang pangarap niyang pag-artista ay natupad din sa tulong ng mabait na prodyuser na si Joed Serrano ng Godfather Productions.

Sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay kasama niya sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo at Alan Paule. Nariyan din sina Ricky Rumera, Charles Nathan, Eisel Serrano, Miko Pasamonte at Sean de Guzman. Ang ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay kauna-unahang handog ng Godfather Productions ni Joed Serrano, sa  direkyon ni Joel  Lamangan. Mapapanood na ngayong Enero 2021!

(BIGTIME by JOE CEZAR / BISTADODAILYNEWS.NET)