Sports

Maypajo rapid chess sa Abril 5

TAMPOK ang mga manlalaro sa Metro Manila at kalapit na probinsiya ang magtutuos para sa karangalan at titulo sa pagtulak ng honors  Maypajo Rapid Chess Tournament sa Abril 5, 2020 na gaganapin sa Bulwagan Caloocan City.
Ayon kay Sportsman Arturo Turbanada ay masisilayan ang husay at tinik sa ibabaw ng 64 square board ang mga woodpushers mula Caloocan City, Valenzuela City, Quezon City, Marikina City, San Juan City, Mandaluyong City, Makati City, Pasay City, Pateros, Taguig City,Las Pinas City, Paranaque City at maging ang Rizal province na masisilayan sa 1900 and below at kiddies 12 years old and under 1800 and below categories.
May cash prizes ang naghihintay sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon sa 1900 and below class ay tatangap ng P5,000 habang ang runner-up ay mag-uuwi ng P3,000 at ang  third-placer ay magkakasya sa P2,000. Ang next two chessers ay magbubulsa ng tig P1,000 at  P500 maging ang  sixth hanggang 7th placers na tig P300.
Sa kiddies,ang first four winners ay makakapagsubi ng tig P2,000, P1,500, P1,000 at P500 while habang ang next three placers ay tig P300.
May special awardees para sa top unrated, top lady, top senior, top under 8 at top under 10 na tig P1,000, P500 at chess bags, ayon sa pagkakasunod.
Ang tournament registration fee ay P300 para sa 1900 and below at P250 para sa kiddies divisin kung saan ay no on-site registration.
Mag call o text kay sportsman Arturo Turbanada (0998-957-7476) para sa dagdag detalye.(Marlon Bernardino)