Breaking News, Business

MAY COVID-19 SA ‘PINAS, MAHIGIT KALAHATING MILYON NA

UMABOT na sa mahigit kalahating milyon ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), 500,577 na ang bilang ng mga nagkasakit.

Ito ay matapos makapagdagdag ng 1,895 na nagpositibo ngayong araw.

Ang Davao City ang may pinakamarating naitalang kaso na umabot sa 107 na sinundan ng Quezon City na 106, ang lalawigan ng Isabela naman ang pumangatlo na mayroong 65 at sinundan ng Pampanga na mayroong 63, at ang lalawigan ng Bulacan naman ay nakapagtala ng 62 kaso.

Mayroon namang 5,868 ang gumaling kaya umakyat na ito sa 465,991.

Habang 11 naman ang nadagdag sa nasawi kaya umabot na ito sa kabuuang 9,895. (Eloise L., bistadodailynews.net)