Breaking News, Showbiz

May bagong pagpapantasyahan sa ‘Silab’; Sean palaban sa ‘Anak Ng Macho Dancer

MAG-UUMPISA nang kunan ang pelikulang ‘Silab’ ngayong Biyernes, January 23, 2021  para sa isang bagong pelikula na tiyak pag-uusapan.

‘Silab’ ang bagong movie na gagawin ni Direk Joel Lamangan na kung saan pagbibidahan ng bagong Sex Goddess na si Cloe Barretto. Flawless, maganda, fresh at palaban ang bagong Sex Siren. Alaga siya ni Ms Len Carillo at dating member ng Belladonnas.

Kasama ni Cloe rito ang baguhang si Marco Gomez na palaban din sa pagpapa-sexy.

Sa aming panayam Kay Cloe ay sinabi nito na matindi raw ang sexy scenes niya sa movie. Matindi ang character na gagampanan niya sa pelikula.

“Tiyak na marami ang magugulat sa role ko rito. Dahil kakaiba ang role sa movie na ito. Palaban at matitindi ang bawat eksena na ipapakita ko sa kanila.” pahayag pa ni Cloe.

Si Marco naman ay handing-handa na sa mga eksena niya. Mga eksenang mainit ang ipapakita nito. “Alam ko first time kong gagawin ang ganito ka-wild na pelikula. Pero dahil napakaganda ng story kaya napapayag ako na gawin lalo pa at si Direk Joel Lamangan ang magiging direktor ko rito. Grabe ang hubaran pero sulit naman dahil napakaganda ng movie.” saad pa ni Marco.

Si Jason Abalos naman na kasama sa movie ay nakausap namin nang personal. Natanong namin sa kanya kung bakit tinanggap niya ang movie.

“Of course napakaganda ng movie. Unang basa ko pa Lang sa script ng movie napahanga na agad ako. Ang ganda ng kuwento. Kakaiba at parang first time ko mapapanood ang ganitong pelikula. Basta kakaiba at kaabang-abang” wika pa ni Jason.

Marami na tiyak ang mag-aabang sa movie na ito. Hindi Lang basta ito sexy film, ito ay quality film under 316 Media Producion.

*****

            Sean de Guzman ‘di umurong sa matinding hubaran

 SAMANTALA, showing na rin sa January 30 ang pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na kung saan pinagbibidahan ng ating paboritong si Sean de Guzman. As in grabe raw talaga ang hubaran sa movie. Warak kung warak ang mga eksena. Todo-todo sa orgy at lovescenes.

Pinakamatindi yata sa lahat ng mga pelikulang ipapalabas ngayon ang ANMD dahil sa walwal ang mga eksena, parang hindi maubos-ubos daw ang hubaran mula umpisa hanggang katapusan ng movie.

Si Sean na baguhan ay hindi inurungan ang matitinding hubaran. Kaya tiyak na sulit na sulit ang mga manonood sa movie. Hindi bitin at bongga ng bawat eksena. So reserve na kayo ng tiket para do kayo maubusan sa Www.ktx.com.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)