Breaking News, Showbiz

Marunong na sa negosyo si Erika; Tuloy ang buhay para kay Madam Baby Go

NAGISING kami nang pagkaaga-aga para puntahan ang aming kaibigang Salas Family sa Padilla Antipolo. Laking gulat namin nang madatnan namin ang lugar nila sa Antipolo dahil napakaraming tao sa labas na nag-aantay. Grand opening pala nang itinayo nilang SMR Convenience Store Padilla. Ito pala ang dahilan kung bakit inimbita kami.

Maliban pa diyan nagulat kami dahil mismong ang alaga naming singer-actress na si Erika Salas ang CEO nito. Ibig sabihin siya ang tumatayong may ari ng business na ito.

“Kailangan talaga ngayon ang mga kabataan, bata pa matuto na sa business. Marami sa kabataan ngayon ang sinasayang lang ang kanilang oras sa mga walang kwentang bagay. Si Erika ay tinuturuan namin siya na mag-business. Kahit bata pa siya dapat matuto na siya sa pagnenegosyo. Itinayo namin ang SMR Convenience Store para siya ang tumayong manager owner. ” bungad sa amin ng butihing mommy ni Erika na si Mommy Beth.

Masaya kami na kahit na may pandemic ay tuloy lang ang negosyo ng Salas Family. May sarili silang Gasoline station, ang NeuPetro na pinapatakbo ng pamilya Salas.

 Samantala kahit pandemic ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ni Erika. Hindi ito pumapalya sa kanyang online class na siyang nakatutok sa ngayon. Ganun ang kanyang pag-aartista tuloy tuloy pa rin ito.

            *****

Tuloy ang buhay para kay Madam Baby Go

Samantala, tuloy ang buhay para sa aming boss na si Madam Baby Go. Tuloy ang buhay kahit sa kabila ng mga pagsubok sa buhay niya ngayon. Kamamatay lang ng asawa ni Madam na si Daddy John.

Kamakailan ay dinamayan namin ito nung mga oras na malungkot si Madam. Kaming mga alaga niya kasama sina Ms Maridol Bismark, Anne Venancio at Joey Sarmiento ay nakaalalay kay Madam.

Mabait at tahimik lang si Madam kahit may pinagdadaanan siya. Bilib kami sa kanyang tatag bilang isang babae, ina at isang businesswoman. Napakatatag niya. Di makita sa kanya ang lungkot kahit na alam naming durog na durog  ang puso niya ngayon.

Mag-isa na muna siya ngayong sa araw ng mga puso. Single na siya ngayon at di pa siya ready na umatend ng mga party at events. Pero di nakakalimot si Madam na kontakin ang kanyang mga alaga at tauhan para alamin ang kalagayan ng mga ito. Patuloy din siya sa pamimigay ng ayuda sa mga reporter na labis na nangangailangan nang husto.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)