Breaking News, Showbiz

Marion sobrang happy na makatrabaho sa pelikula si Sharon Cuneta

HINDI maitago ni Marion Aunor ang kagalakan nang nabigyan siya ng chance na maka-arte ulit sa pelikula at maging bahagi ng ‘Revirginized’ na tinatampukan ni Sharon Cuneta.

Ang naturang pelikula ang siyang comeback movie ng Megastar sa ilalim ng Viva Films.

Pahayag ng magaling na singer/songwriter nang makapanayam namin sa FB, “I’m very happy na nabigyan po ako nila Boss Vic (del Rosario) ng ganitong break. The movie was directed by Direk Darryl Yap.”

Aniya pa, “I really admire both Ms. Sharon and Direk Darryl Yap kaya tuwang-tuwa po ako nang nalaman kong makakasama ako sa movie nila.”

Ibinida nga ni Marion sa kanyang Facebook account na isa si Sharon sa pinakamabait na nakilala niya.

Aniya, “So happy I finally got to meet Ms. @reallysharoncuneta   From writing the song ‘Lantern’ for her Megastar album back in 2018 to now being a part of the cast for her upcoming movie ‘Revirginized.’   One of the kindest people I’ve ever met.”

Sa pelikulang ‘Revirginized,’ gagampanan ni Sharon ang papel ni Carmela, isang babaeng at the age of 16 ay nagkaroon na agad ng anak kaya hindi na-enjoy ang buhay-dalaga.

Anong klaseng experience na makatrabaho niya sa pelikula ang Megastar?

Pahayag ni Marion, “Matagal ko na rin pong gustong ma-meet si Ms. Sharon, since I wrote her song ‘Lantern’ noong 2018 para sa kanyang Megastar album. So ang saya lang na through this movie pa kami finally nag-meet.”

Nakasama niya ba si Sharon sa mga eksena?

Lahad ni Marion, “Yes, nakasama po namin siya in most of the scenes. Sobrang humble, sweet, and kind niya.

“Mahilig po siyang magkuwento about her life and pinapagaan niya talaga iyong mood sa set. Kaya parang nagiging mas comfortable and at ease kami working with her,” masayang pahayag pa ng panganay na anak ni Ms. Maribel Aunor.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)