Breaking News, Showbiz

Marco Gomez, sexually active tulad ng role sa movie with Cloe Barreto

BIGGEST BREAK ng hunk actor na si Marco Gomez ang pelikulang Silab at aminadong super-daring siya sa pelikulang ito.

Pinamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan, ito ang first starring role ng Belladonnas member na si Cloe Barreto na ang ipinakitang husay sa pelikula ay pinupuri ng marami.

Gumaganap dito si Marco bilang si Rod, na magpapaliyab sa pelikula kasalo ang isang babaeng wild na ginampanan ni Cloe bilang si Ana. Kapwa may asawa na ang dalawa, subalit naghanap si Cloe ng kakaibang init ng pagmamahal kay Rod, na hindi niya naramdaman sa mister niyang si Jason (Abalos).

Ayon kay Marco, hot na hot siya sa character na ginampanan ni Cloe.

Wika niya, “Kasi actually, nang nagsu-shooting kami ni Cloe, ang iniisip ko ay si Ana, yung character niya. Kasi nang binasa ko ang script, hot na hot ang character ko kay Ana.”

Ma-L ba ang ginagampanan niyang papel dito?

Nakangiting sagot ni Marco, “Opo, ma-L yung character ko sa movie, kaya ang iniisip ko lagi ay ang character niyang si Ana.”

Ang 22 year old na si Marco ay lumaki sa Austria. Isa siyang singer, martial arts black belter, at magaling sumayaw dahil member siya ng Clique V.  Siya ay six footer, moreno na tipong Richard Gomez ang dating, at wish sundan ang yapak ni Goma.

Ano ang preparation niya sa pelikulang ito?

Lahad ni Marco, “Part ng preparation ko, nagpa-sexy ako ng katawan. Kasi ang mga shoot namin, lagi kaming nasa beach, eh. Kapag nasa beach, ang suot ay madalas na naka-sando, trunks or topless.”

Si Ron na karakter niya sa movie at si Marco, may similarity ba sila?

“Para sa akin, mayroon naman, marami silang similarity. He is a very alive person, like me. Pero pagdating sa magalit, hindi kami parehas, ibang klaseng magalit si Rod.”

Pareho bang sexually active sila? “Puwede, puwedeng sabihin iyan, parehas kami dyan sa bagay na iyan, hahahaha!”

Since para silang magkapatid sa 3:16 Events & Talent Management owned by Ms. Len Carrillo, may ilangan factor ba sa love scene nila ni Cloe?

“Noong una opo, eh, hehehe. Pero siyempre, iba talaga kapag sa shoot na, eh. Nag-usap kami na basta gawin naming isang take lang.

“Siyempre weird, pero sa shoot mismo, I didn’t see her as Cloe, I saw her as Ana and she did the same to me, she looked at me as Rod. So, kapag sa movie, hindi kami naiilang, okay naman ang mga love scenes namin,” sambit pa ni Marco.

Mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok din sa Silab sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODALYNEWS.NET)