Breaking News, Showbiz

Marco Gomez gustong sundan ang yapak ni Richard Gomez

ISA si Marco Gomez sa leading men ni Cloe Barreto sa launching movie nito na ‘Silab,’ mula sa 3:16 Media Networks ni Ms. Len Carrillo. 

Ayon sa guwapong hunk actor, kinokonsider niya na malaking blessing sa kanya ang nasabing pelikula mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

“Talagang I feel blessed, kasi I’ve been in showbiz for almost four years and there were may times na gusto kong gumive-up. Kasi siyempre iba ang sistema rito sa Pilipinas, tapos hindi Tagalog ang first language ko. Pero since my father passed away, so I promised him to continue this passion we both have. Tapos ayun, sobrang blessed ako na ibinigay sa akin yung ‘Silab.’” sabi ni Marco

“And maganda naman yung feedback sa amin, sa movie, so really feel blessed about it.” aniya pa.

Proud si Marco na naging part ng ‘Silab.’

“Yes, I’m very proud, very proud. Especially yung story mismo, maganda yung story. Kasi bale ano siya eh, di ba crime of passion? And medyo dark yung movie.

“Ang maganda roon, maraming twist, akala mo ito na, yun pala mayroon pa, tapos mayroon pa!

“Basta maganda yung story and I’m proud to say na puwede naming ilaban sa international filmfest.’

Masaya rin daw siya na naidirek ng isang Joel Lamangan.

“Yes, super happy,” nakangiting sambit ni Marco.

“Siyempre as a first timer, ‘di naman first timer pero yung maging lead, first time ko naging lead sa movie. So siyempre, iba yung how to act and everything.

“Pero mabuti at nandoon sila Direk Joel, kasi he guided me everywhere. Ginuide niya talaga ako, pati mga co-actor ko. Si Kuya Jason Abalos, he’s been like a kuya to me talaga sa movie na ito.”

Since isang sexy film ang Silab, asahan nang may daring scenes dito si Marco. May frontal nudity ba sjya sa pelikula?

“Abangan ninyo na lang guys. Basta may daring scenes ako sa movie.”

Samantala, si Richard Gomez ang paboritong aktor ni Marco.

“Si Richard Gomez ang wish kong sundan ang yapak. Kaya sakto po, parehas kami ng apelyido ‘di ba? Pero actually, idol ko talaga si Richard Gomez. Ever since bata ako, I’ve been watching some of his movies and gusto kong masundan yung yapak niya,” lahad pa ni Marco.

Ang ‘Silab’ ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at tampok din dito sina  Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Karl Aquino at Quinn Carrillo.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)