Breaking News, Business

“Magna carta of commuters” bills tatalakayin

Inaprubahan ng House Committee on Transportation ang pagsasama-sama ng 10 panukala na naglalayong gawing institusyon ang “Magna Carta of Commuters.”

Gayundin, inaprubahan ng komite ang pagbuo ng isang technical working group (TWG) na pamumunuan ni Makati City Rep. Romulo Peña Jr. upang balangkasin ang mga panukala.

Layunin ng HBs 3113, 3125, 3613, 4025, 5202, 5621, 5653, 5992, 7417 at 7601 na gawaran ng karapatan para protektahan ang mga Pilipinong pasahero ng pampublikong transportasyon.

Sa kanyang sponsorship speech para sa HB 7417, sinabi ni CIBAC Party-list Rep. Domingo Rivera, na ang panukalang Magna Carta of Commuters ay naglalayong ilapit ang pagtugon sa usapin ng connectivity at mobility, sa pamamagitan ng pagbabago sa landas ng pamahalaan sa pagbibigay ng prayoridad sa paglalakad at pampublikong transportasyon, sa alokasyon ng espasyo sa lansangan.

Samantala, binigyang diin ni Robert Siy, kinatawan ng We Move As One Coalition, na ang mga commuters ay may karapatang maglakbay ng ligtas, maginhawa at may pagtitiwala. “

Nagpahayag din ng suporta sa mga panukala sina Department of Transportation Assistant Secretary Alberto Suansing, Land Transportation Franchising and Regulatory Board Member Joel Pernito, at Metro Manila Development Authority General Manger Jojo Garcia. Ang pagdinig ay pinamunuan ni Committee Chair at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.     (Vina de Guzman)