Breaking News, Showbiz

Lyka big hit sa Pinoy celebrities

BIG hit sa mga Pinoy celebrities ang social media app na Lyka. Talagang pinag-uusapan ito sa showbiz world ngayon.

Una kong narinig ang Lyka kay Vice Ganda (@viceganda) sa ‘It’s Showtime’ habang binibiro niya ang co-hosts niya na, “Pa-gems ka naman!” o di kaya’y “Ultra Rate mo ko!” Kung minsan nga ay nagpupustahan pa sila at ang bayad ng matatalo ay Lyka gems. Ilan sa co-hosts niyang may Lyka accounts ay sina Vhong Navarro (@vhongx44), Jugs Jugueta (@jugsjugsjugs), Teddy Corpuz (@teddspotting), Ryan Bang (@ryanbang), Amy Perez (@perezamyp), at syempre ang boyfriend ni Vice na si Ion Perez (@ionperez).

Aliw na aliw sa Lyka hindi lang ang mga artista kundi maging mga private individuals dahil mahilig talaga sa social media ang mga Pinoy na mas lalo pang umigting dahil sa pananatili ng karamihan sa bahay dulot ng umiiral na Community Quarantine dahil sa mahigit isang taon ng COVID-19 pandemic.

Ang maganda kasi sa Lyka ay namo-monetize ang content mo. Sa bawat post mo ng picture at video ay kumikita ka at nadaragdagan ito sa tuwing ima-max rate ka o i-ultra rate ng ibang Lykans ang post mo. Ang bawat isang Lyka gem kasi ay katumbas ng piso.

Ayon nga kay Lyka CEO Ryan Baird (@work_lyka_boss) sa kanyang interview sa CNN Philippines, “A lot of social media apps, people spend a lot of time and effort to make their content really, really nice. But they don’t get to monetize that content. And that’s how we’re very different from other platforms.”

Good as cash kasi ang Lyka gems dahil magagamit itong pambili sa iba’t ibang establishments na tumatanggap ng Lyka gems bilang pambayad o tinatawag na partner merchants ng Lyka. Puwede kang bumili ng damit, accessories at iba pa. Puwede kang magpa-full tank sa gasoline station. Puwede ring ipambayad ang Lyka gems sa restaurants at sa takeout/delivery orders. Gaya na lang nang bumili ako ng premium donuts sa Tim Hortons sa Estancia Mall sa Pasig gamit ang Lyka gems.

Ang maganda rito ay cashless transactions lahat dahil Lyka gems nga ang pambayad mo na mas okay ngayong pandemic. And soon ay magkakaroon na rin ng Lyka mall kung saan cashless transaction na rin ang pagbili ng items o groceries online, pagbayad ng bills at pagload sa cellphone.

Sa isang Post nga ni Vice Ganda sa Lyka ay makikitang ginamit niyang pambayad sa kinain nila sa restaurant ay Lyka gems. Sabi pa ni Vice sa caption, “O loko! Hangga’t may Lyka, may pambayad tayo. Chugug!”

Nag-trending naman ang Lyka noong Enero nang taong ito dahil sa YouTube vlog ni Ivana Alawi kung saan ginamit niyang pambili ng bagong kotse para sa kanyang mommy ay Lyka gems. Sa kasalukuyan si Ivana ang nangunguna sa Top 100 list ng may pinakamaraming followers, na habang idine-deadline namin ito ay mayroon na siyang mahigit sa 538,000 followers.

Naengganyo rin akong gumawa ng Lyka account (@glensibonga) at nabiyayaan ako ng mabubuti at generous na mga kaibigan o Lykans. Naregaluhan na rin ako ng Lyka Gems at Ultra-Rating ng ilang kaibigang mga artista at showbiz people na kinabibilangan nina Lorna Tolentino (@lornatolentino), Jimwell Stevens (@21jimwell), Rochelle Barrameda (@rochellebarrameda), Alma Concepcion (@almaconcepcion), Regine Tolentino (@reginetolentino_official), Richard Quan (@richardmquan), Cloe Barreto (@chloesy), Quinn Carrillo (@quinn_carrillo), Elijah Canlas (@elijahcanlas), Therese “Teri” Malvar (@theresemalvar), Rhian Ramos (@whianwamos), Ejay Falcon (@ejayjana08), Anne Feo (@annefeo8888), Hashtag Ryle Santiago (@rylepaolotan), Carmi Martin (@misscarmi), Direk Antoinette Jadaone (@jadaonetonet), Direk Jerry Lopez Sineneng (@jerry_lopez_sineneng), at producer na si Ferdy Lapuz (@ferdy_lapuz).

Pero sadyang may mga artista at TV hosts din na deadma lang kahit nagparamdam na ako at nag-Ultra Rate sa kanila. Oh well, marami namang ibang mababait na celebrities at Lykans kaya nabawi ko rin yung nawala kong gems.

Bukod sa mga artistang nabanggit ko, marami na ring ibang Pinoy celebrities pati sikat na YouTubers ang nasa Lyka na.

Samantala, paborito namang i-Ultra Rate ng mga Pinoy celebrities at ordinary Lykans ang film enthusiast at traveler ay si Erica Brenner (@erica_snow19), na tinatawag na generous Snow Queen dahil ibinabalik niya ang Ultra Rate na may bonus at regalong dagdag pa. Ang bongga, di ba!

Generous din ang Lyka President na si Sophia Nguyen (@sophianguyen), na madalas ma-interview ngayon dahil sa success ng Lyka lalo na dito sa Pilipinas. Katulad ng interview niya kay Korina Sanchez gayundin sa EntrepRadio at VG8 Radio.

Maging ako ay nakaranas na rin ng maraming beses ng generosity nina Erica at Sophia kaya love ko sila sa Lyka.

Siyempre nandiyan din si @travelthainow2019 na regular na nagbibigay ng Lyka gems sa lahat ng verified Lykans. Sana nga sa pamamagitan ng writeup na ito ay maging verified na rin ang account ko.

Launched in Southeast Asia in March 2019, Lyka is a digital community owned by Hong Kong-based Things I Like Company Ltd. It was conceived by CEO Ryan Baird in July 2018 in his hopes to “unlock the potential of human creativity by giving billions of entrepreneurs the opportunity to live off their passions”.

Siyempre gusto kong tapusin ang writeup na ito sa pamamagitan ng pagbati sa aking mga kaibigan sa Lyka – @sachaelshohomey, @superjam06, @paulgue, @gritadamas, @sir_jhay29, @tadashi_yamashita_suzuki, @emmyli, @hansab, @rhonrhon22, @ccalga1986, @jaquelyn80, @joanf14, @jin_kyung, @sharonmarquezsantos, @marvingocheco, @jongsiagomez5, @private_user, @r_mhin, @daisy_queen, @darwin_06, @gelomonmon, @babethsbemis, @obienap28, @kenthesis, @jessalocker, @jen1977, @kittyribates, @deedee11, @galasha, @glynbeth_bellaglynch, @iamrochelledavila, @dennicamartinez, @rjay19_decastro, @waitfornaddy, @joshme, @charlesarconado, @emmanuel02, @jinn_040576, @daezella, @carjeyms, @chadmemo, @charish92, @ice_alejo, @maffysolerdaroza, @jarmen250604, @secretparadise, @wingold, @ron_acer, @maelsy, @fernandezkim, @jordacel, @khenjie25, @juneru, @jaesean25, at sa lahat ng followers ko. Special na pagbati naman kay sir @iamtonico na katatapos lang mag-birthday.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)