Breaking News, Showbiz

Luke Mejares aminadong apektado ng pandemya

AMINADO ang  RNB singer na si Luke Mejares na mahina ang raket simula last 2020 hanggang ngayong 2021 dahil sa covid 19 pandemic at isa nga raw siya sa labis na naapektuhan.

Kung dati-rati nga raw ay kaliwat kanan ang tanggap na trabaho ni Luke mula sa mall, provincial at out of the country show, ngayon daw ay totally wala raw dahil  nga sa nararanasang pandemiya di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

At kahit nga raw TV guestings ay limitado lang di tulad ng dati na kaliwa’t-kanan ang TV guestings niya. Mabuti na nga lang ay may mga online guestings pa siya.

At ngayong April 18 ay kasama si Luke sa PMPC Benefit Concert entitled “Awit Sa Pandemiya“ kung saan makakasama nito sina  Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Ima Castro, Gerald Santos, Jeric Gonzales at Ms Kuh Ledesma.

Kasama rin sina Jos Garcia, Charo Laude, Sarah Javier, JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

Ang  “AWIT SA PANDEMYA: A PMPC Benefit Virtual Concert” ay gaganapin  sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)