Breaking News, Showbiz

Lovi Poe kinilig sa magic abs ni Ben

SUBOK na ang chemistry nina Lovi Poe at Ben Alves sa screen dahil ilang beses na rin silang nagkasama mapa-telebisyon o pelikula. Kaya naman sa ‘Owe My Love,’ natural na ang spark sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nila na sina Sensen at Doc Migs.

            Hindi na rin naiilang pa si Lovi sa paghirit ng mga biro sa kanyang co-actor sa serye. Sa kanyang social media post, humirit pa ang Kapuso actress na: “In fairness talaga kay papa Ben. May magic.”

            Agad namang na-gets ng netizens ang biro ni Lovi: “Magic abs” na agad kinumpirma ng OML actress: “Natumpak mo ang magic na tinutukoy ko!”

            Parehong mahilig mag-workout sina Lovi at Ben at minsan nga ay na-share nila sa isang interview na sinisimulan nila ang araw nila sa set sa pamamagitan ng pag-e-exercise.

            Bukod sa health benefits, tila effective rin sa pagpapaganda ng serye ang positive outlook ng dalawa dahil gabi-gabing sinusubaybayan ang OML.

            Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng cast sa pag-portray ng kani-kanilang role. Nariyan ang mainis na ang viewers sa kasamaan nina Divina (Jackie Lou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez). Lahat kasi ay gagawin ni Divina, mapunta lang sa kanya ang kayamanan ng mga Alcancia–kahit ikapahamak pa ito ni Lolo Badong (Leo Martinez).

            Pero tila nawawala na naman si Lolo Badong dahil sa pag-atake ng kanyang dementia. Para mabawasan ang pag-aalala ni Migs (Benjamin), sasamahan siya ni Sensen (Lovi) sa paghahanap kay Lolo Badong na ikagagalit naman ni Trixie.

            Naku, ano na naman kaya ang problemang haharapin ni Sensen? Ang kanyang tatay naman na si Oryo (Pekto Nacua), talaga bang ‘changed man’ na? Sana naman dahil ang dami ng sakripisyo ng kanyang anak na si Sensen at ng kanyang asawang si Coring (Ruby Rodriguez).

            Ano naman kaya ang mangyayari sa pagitan nina Gwaps (Buboy Villar) at Evs (Kiray Celis)? May aamin na nga ba? Eh ang pagmamahalan nina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Guttierez), hanggang saan kaya makakarating ngayong  nabuko na nila ang kanila-kanilang tunay na pagkatao at estado sa buhay?

Tutok na sa Owe My Love, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

            *****

            Pagtatapos ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ wagi na sa ratings, trending pa!

            Sinubaybayan at talaga namang pinag-usapan ng viewers at netizens ang pagwawakas ng top-rating GMA primetime series na ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ nitong Biyernes (March 12).

Bukod sa certified trending topic sa Twitter Philippines noong Biyernes ang official hashtag ng show na #WvBFinale, nakapagtala rin ang last episode ng 19.6% rating ayon sa NUTAM People Ratings.

            Samantala, aprubado naman sa netizens ang naging ending ng kuwento kung saan nagkabati na ang matalik na magkaibigang sina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) pati na rin ang half-sisters na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez). Kinakiligan din ng viewers ang naging proposal ni Cocoy (Migo Adecer) kay Ginalyn.

Ayon sa isang netizen, “Nice ending!! Lahat masaya. Pagmamahal, pagpapaubaya at pagpapatawad talaga ang susi sa masayang pagsasama. #WvBFinale.”

Hiling naman ng ilan ay magkaroon pa ng Book 2 o continuation ang serye, “Sobrang happy ako dahil ang ganda ng ending of course at the same time nabitin ako. Sana may continuation pa ang love story ni Ginalyn at Cocoy, Caitlyn at Benny. Mamimiss ko talaga ang #WarayVsBiday. Sana may Book 2 pa po.”

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)