Breaking News, Showbiz

Lovi Poe at Ben Alves, nagkakamabutihan na?

NAGKAKAMABUTIHAN na nga ba sina Lovi Poe at Benjamin Alves? Siyempre on-screen lang ito bilang sina Sensen Guipit at Doc Migs Alcancia sa hit rom-com series na Owe My Love (OML).

Unti-unti na ngang nagkakapalagayang loob sina Sensen at Doc Migs pero dahil napapansin na ito ni Trixie (Winwyn Marquez), agad gagawa ang huli ng paraan para mapaglayo ang loob ng dalawa. Aaakitin ni Trixie si Migs, at paniniwalain naman niya si Sensen sa isang malaking kasinungalingan.

Samantala, palpak ang plano ni Divina (Jackie Lou Blanco) na gamitin si Sensen para mapapirma si Lolo Badong (Leo Martinez) ng dokumentong maglilipat sa kanya ng kamayanan ng mga Alcancia. Tila ibabaling ni Divina ang kanyang galit kay Mema Eps (Nova Villa). Pero di pansin ni Mema Eps ang bad vibes ni Divina at sa halip, lalo pa siyang gaganahang ipakita ang pagmamahal kay Lolo Badong kahit na halos sumuko na ang kanyang katawan.

Hindi lang si Sensen at Migs ang tila mabubuwag, dahil mapapalitan ng paghihinala si Jenny Rose (Jelai Andres) kay Eddie (Jon Gutierrez). Mawawalan naman ng tiwala si Coring (Ruby Rodriguez) sa asawang si Oryo (Pekto Nacua) dahil sa isang nasirang pangako.

Magkakalabu-labo man ang relasyon ng mga Guipit, magkakaroong linaw naman sa wakas ang papel ni Doc Coops (Ryan Eigenmann) sa buhay ni Vida (Ai-Ai Delas Alas) na ikababahala ni Divina.

Solid pa rin sa kilig, katatawanan at aral sa buhay ang ‘Owe My Love,’ Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

                        *****

Jillian Ward abala sa pag-aayos ng bahay

Matapos ang tagumpay ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas,’ pinagtutuunan ngayon ng atensyon ng teen actress na si Jillian Ward ang pag-aayos ng kanilang second home sa Pampanga.

Sa Instagram, nagbigay siya ng latest update sa mga pinamiling appliances para rito.  Kamakailan lang ay nai-tour rin niya ang mga fans sa bagong bahay na ito sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel.

Dito, ipinakita ni Jillian ang kanyang magiging kuwarto, “My room is really lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some of Van Gogh’s paintings in there.”

Abang na abang na rin ang kanyang fans sa inaasahang book two ng top-rating GMA Afternoon Prime series nilang ‘Prima Donnas.’

****
The Boobay and Tekla Show wagi sa Best Choice Awards 

Pinarangalan ang Kapuso comedians na sina Boobay at Tekla, pati na rin ang ‘The Boobay and Tekla Show’ (TBATS), sa katatapos lamang na virtual awarding ceremony ng Best Choice Awards for 2020-2021 nitong Sabado, March 20.

Nakamit nina Boobay at Tekla ang ‘Most Outstanding Stand-up Comedian’ award habang natanggap naman ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ang ‘Most Outstanding Variety Show’ award.

Sa isang Instagram post ay nagpaabot ng pasasalamat ang host ng TBATS na si Tekla, “Maraming maraming salamat sa Best Choice Awards sa binigay nyong parangal sa amin ni @boobay7 at sa The Boobay and Tekla Show @boobayandtekla. To God be the Glory! #TBATS”

Congratulations, mga Ka-‘TBATS!’

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)