Breaking News, Showbiz

Lotlot napapaiyak sa importansyang natatanggap ni Janine sa ABS-CBN

HINDI makapaniwala ang aktres na si Lotlot de Leon sa ibinibigay na pagpapahalaga ng ABS-CBN sa anak na si Janine Gutierrez simula nang ito’y maging bahagi ng Kapamilya. Matatandaang hindi na ni-renew ng Kapuso ang kontrata ni Janine kaya’t tinanggap nito ang offer sa Kapamilya network at pumirma ng exclusive contract nitong January 15, 2021.

Sa bisa ng kontrata, naging ‘ASAP Natin ‘To’ regular host ang aktres. Bukod pa sa kanyang hosting job, isang teleserye at Star Cinema project ang naghihintay sa kanya.

Of course, sino nga ba ang inang hindi mapapaiyak kapag nakikita ang anak na alagang-alaga ng network?

Sa nakuhang pahayag kay Lotlot, sa celebrity talk show na ‘I Feel You’ last February 7, Sunday,  sinabi nitong, “Nakakataba ng puso. Yung importansya na binibigay at ipinapakita nila kay Janine, sobrang nakaka-touch. I know that Janine now will work extra hard to prove herself that she’s worth all of that. Nakikita ko naman na talagang excited siya to start working also with ABS.”

Bilang ina, dobleng saya daw ang nararamdaman niya sa tuwing nakikitang masaya ang anak sa bagong tahanan, ang ABS-CBN…

“Talagang nakikita ko siya na masaya siya. Ang dami na rin niyang natutunan sa ilang taon na nandito siya sa industriya. She’s learned from all the mistakes as well. So nakakatuwa.”

Pahayag  pa ni Lotlot hindi niya akalaing mararating ng anak ang minimithing tagumpay.

“Sabi ko sa kanya, everything that she is getting now is because of all her hard work and I am very proud of her for that.”

Ibinahagi din ni Lotlot kung anong klaseng anak si Janine.

“She’s very responsible na ate. When I separated with their father, she was still very young. We did not live in the same house but she was like a mom also to her siblings. She’s also very strict when it comes to the studies of her mga kapatid… I’m very proud of her.” pagmamalaki pa ng beteranang aktres.

“I am just so happy with the trust that the Kapamilya network is giving to my children (Janine at Diego Gutierrez). Salamat at nakikita nila yung talent at kung anong puwedeng maibahagi ng mga anak ko sa industriya. I am very grateful for that also,” pagtatapos pa ni Lotlot.

                                                             *****

            Mas mabibigat ang hamon ngayon sa ‘Tawag Ng Tanghalan’

KUNG mahigpit na laban ang pinagdaanan ng 4th Tawag ng Tanghalan Grand champion JM Yosures, sa pagbabalik ng ‘Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime,’ mas mabibigat na hamon at mas maigting na kumpetisyon ang nag-aabang sa singers na lalaban sa taong . Ito’y dahil sa bagong mechanics na susundin sa ikalimang taon ng kumpetisyon simula ngayong linggo sa “It’s Showtime.”

Paliwanag ng ABS-CBN CorpCom, “Kada Lunes, apat na contestants ang magtatagisan at ang dalawang makakakuha ng pinakamataas na scores mula sa mga hurado ang magmamay-ari sa dalawang “spotlight” at aabante sa susunod na araw. Tuluyan namang magpapaalam na sa kumpetisyon ang dalawang may pinakamababang scores.

“Mula Martes hanggang Biyernes naman, dalawang panibagong kalahok ang papasok at maglalaban sa unang round. Ang contestant na may mas mataas na score sa kanilang dalawa ang uusad sa ikalawang round para hamunin ang dalawang spotlight holders sa isang three-way battle.” ayon sa inilabas na pahayag.

Matinding bakbakan din ang dapat na abangan tuwing Sabado dahil ang dalawang contestants na nagmamay-ari sa spotlight ang magtutunggali sa dalawang rounds para makuha ang mas mataas na hurado score at tanghaling weekly winner.

Kada araw naman, makakatanggap ng tig-P10,000 bilang premyo ang contestants na may pinakamataas na scores. Noong Lunes (Pebrero 8), sina Cherry Rose Amorin ng Cavite at Froilan Cedilla ng Laoag City ang mga unang nagmay-ari ng spotlight sa ikalimang season ng “Tawag ng Tanghalan.”

Samantala, puwede ring maging hurado at manalo ng papremyo ang viewers sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagpo-post sa Twitter o Facebook ng comment gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng “Tawag ng Tanghalan” contestant na sa tingin nila ay makakapasok sa top two. Isang maswerteng viewer naman ang pipiliin kada araw at magwawagi ng P5,000.

Kaya naman laging panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)