Breaking News, Showbiz

Lorna, Ara, Angel, Pops, empowered women sa showbiz

WHAT do Lorna Tolentino, Ara Mina, and Angel Aquino have in common? Bukod sa magkakasama ang tatlong aktres sa longest running primetime-show na ‘FPJ’s ang Probinsyano,’ kabilang sila sa tinaguriang generation’s empowered women. Hindi lang sila ang mga hinahangaan n’yong artista dahil kabilang sina LT, Ara at Angel sa mga kababaihang kayang-kayang tumayo sa sarili nilang mga paa. These empowered women know how to take care of themselves, so they can take care of others, too!

Kung sa ‘Ang Probinsyano’ ay magkakaaway ang papel nila, nakakatuwang malaman na sa totoong buhay ay nagkakaisa sila sa paniniwala at pagsuporta sa mga kapwa nila empowered women.

Kaya naman hindi nakapagtataka ang pakikiisa at paglahok nila sa virtual campaign at malawakang panawagan ng Philippines Heart Association (PHA) last week, for wider public awareness to prevent heart disease sa “Usapang Puso Sa Puso, Pusong Pinay” advocacy. All out ang suporta ng tatlong celebrities kabilang ang mga batikang heart doctors na nababahala sa tumataas na kaso ng heart disease partikular sa mga kababaihan sa Pilipinas.

Nakakatuwang malaman na kahit gaano ka-busy si Ara at tutok ngayon sa paghahanda sa nalalapit niyang pagpapakasal, kay Dave Almarinez, President & CEO ng Philippine International Trading Corp., ay talaga namang may oras siya para suportahan ang PHA campaign kung saan nagbigay siya ng ilang health tips para sa kanyang mga tagahanga.

“Pre-pandemic I used to regularly work out at the gym, bike and climb mountains,” paglalahad niya kaya hindi na dapat pagtakhan pa kung bakit mas slim siya ngayon at mas sexy.

“Since the lockdown, I have done yoga at home with my daughter. I also made sure that I exercise or do physical activity. I do Zumba or if I am really busy, I just do brisk walking around the village.”

At tulad ni Ara, kahit nasa lock-in taping set-up sina Lorna and Angel ay never nilang nakalimutan ang regular na nakasanayan nila to flex their bodies in their respective environment.

Mariing ipinabatid ni Angel ang kahalagahan ng pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansyang pagkain, citing her diet of fish, fruits, vegetables and the occasional steak.

Samantalang si Lorna naman kahit gaano ka-busy sa taping ay ibinahagi ang kanyang sikreto for staying healthy and sexy even at 50.

“My favorite physical activity is brisk walking for 30-45 minutes. Sometimes I do swimming and Zumba. Let’s all exercise to keep our heart healthy.”

Maging si Pops Fernandez ay nagbahagi rin ng kanyang lockdown experiences.

 “The pandemic has change my lifestyle. Before, busy ako with one sked after the other. Because of our work we have to maintain certain look and weight . Mahirap ang trabaho namin bilang artista dahil madalas ‘di kami nakakakain, madalas puyat at kulang sa tulog. One of the good things during the lockdown, we have more time for ourselves. Now I eat breakfast and lots of fruits kasi takot ako to get sick. Dati, I used to skip meals pero hindi ngayong pandemic. Sabi nga, mahirap magkasakit. Now my fave food – are Japanese and Italian dishes. And I’m now slowly going back to work and workout as well.”

 Marami ang natuwa na muling makita ang dating host ng TV Patrol at Bandila na si Nina Corpuz, na isa ring health advocate at hinikayat ang lahat to move around. In the virtual event Corpuz admitted to moderators, doctors Louella Quijano and Mylene Cornel, that she is not a fitness buff but she tries hard to keep a healthy balance in her life.

“Galaw-galaw” (moving the body), ang simpleng panawagan niya sa mga kababaihan para mapanatili ang pagkakaroon ng healthy heart and a healthy body.

Plano ng PHA na kumuha ng marami pang celebrity endorsers to drive its healthy heart campaign, especially at this challenging time ng pandemic kung saan kailangan ang ibayong pag-iingat at pananatili sa loob ng ating mga tahanan..

(MOVIESTARS, ETC by LOURDES FABIAN / BISTADODAILYNEWS.NET)