Breaking News, Showbiz

LOL ng TV5 panalo sa ratings at prizes

BONGGA ang noontime show ng TV5 na ‘Lunch Out Loud’ (LOL) dahil nangunguna ito sa viewership at ratings kontra sa ‘It’s Showtime’ na napapanood sa free TV via A2Z Channel. LOLways (Always) ngang panalo sa noontime ang LOL. 

Matatandaang ini-launch noong October 2020 ang LOL na pinangungunahan ng mga host na sina Billy Crawford aka Daddy Bills, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, KC Montero, Ariel Rivera, Wacky Kiray at K Brosas. Panalo ang energy, chemistry at banter nila sa isa’t isa. Hindi sobra sa timpla, hindi rin kulang, ika nga nila sakto lang. Kaya agad silang sinubaybayan ng mga manonood dahil nakuha nila ang panlasa ng masa.

LOLways panalo sa ratings ang batang-batang programa ng TV5 na nahigitan na ang mahigit isang dekadang Kapamilya noontime show. Mula December 2020 hanggang March 2021, number one ang LOL sa ratings kontra sa ‘It’s Showtime’ na umeere sa A2Z. Nakakuha ang LOL ng 816k Average Minute Rating (AMR) noong January, pinakamataas na nakuha ng programa laban sa ‘It’s Showtime’ na nakakuha lamang ng 559k noong buwan na iyon.

Panalo rin kasi ang mga pakulo at papremyo ng LOL tulad ng H.O.P.E na literal na nagbibigay pag-asa sa mga nag-break na mag-jowa. Pati na ang nakaaaliw na singing competition na KanTrabaho. Winner din ang makulay na Drag Queendom na isang lipsync contest. Panalo sa saya at limpak-limpak na papremyo ang pwedeng maiuwi ng contestant sa Pera-Usog. Marami rin natutulungan ang wish granting segment nila na Sagot Mo, Sagot Ko with Daddy Bills na talaga namang inaabangan ng mga LOL-kada.

Tuluy-tuloy sa pamimigay ng saya at bonggang prizes ang ‘Lunch Out Loud’ tuwing Lunes hanggang Sabado, 12nn, na hatid ng Brightlight Productions at mapapanood sa TV5.

Mag-rescan ng inyong digital boxes para siguradong winner ang panonood niyo sa mga bagong palabas ng TV5.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)