Breaking News, Nations

LISTAHAN NG MGA ESTUDYANTE NPA, SABLAY; AFP NAG-SORRY

HUMINGI ng paumanhin ang AFP Information Exchange sa mga nakasama sa listahan ng mga sinasabing nagtapos sa University of the Philippines (UP) na nahuli o napatay dahil sa pagsanib sa New People’s Army (NPA), na nai-post sa kanilang social media account.

“We sincerely apologize for those who were inadvertently affected by inconsistencies regarding the List of Students who joined the NPA (Died or Captured) that was posted in the AFP Information Exchange Facebook account. That article has since been immediately taken down or deleted from our social media accounts,” ayon sa Facebook post ng AFP Information Exchange.

Kamakailan, humarap sa mga mamamahayag ang ilan sa mga nakasama sa isinapublikong listahan, ilan sa kanila ay mga abogado, at kinondena ang pangyayari kasabay ng pagtanggi na sila ay naaresto, lalo na napatay, dahil sa pagsanib sa NPA. (Eloise L.)