Breaking News, Showbiz

Kuh, JoAnne, Tim pangungunahan ang Lenten specials ng MarkyTalk

PANGUNGUNAHAN nina Kuh Ledesma, JoAnne Lorenzana at Tim Pavino ang ‘Love Songs for the Lenten Season’ ng MarkyTalk na magaganap ngayong April 1, Maundy Thursday, 9pm. Mapapanood ito sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube channel ng MarkyTalk Events.

Makakasama nila sa ‘Love Songs for the Lenten Season’ sina Joy Cruz, Isabella Gonzalez, Hazel Faith, Arla Fontamillas, Ardent House, David Vicente and Sharon Vicente-Hernandez.

Ang ‘Love Songs for the Lenten Season’ ay isa lamang sa Lenten specials ng MarkyTalk. Nandiyan din ang MarkyTalk SPAM: Sketches, Poems & Monologues. Ito ay inspirational readings for the Lenten Season by selected theater artists na kinabibilangan nina Elmer Labella, Jonathan Yu, Toby Duag, Rein De Vera at Jeff Escaros. Mapapanood ito sa April 2, Good Friday, 9pm.

Inihahandog din ng MarkyTalk sa April 3, Sabado De Gloria, 9pm, ang dulang ‘Ang Bagong Dating’ tampok sina Rico del Rosario, Jeff Escaros, at Keziah Placer.

Ang special show namang ‘The Essence of His Death’ by David Lampel ay sa ilalim ng direksyon ni Mark Aranal ay mapapanood sa April 4, Resurrection Sunday, 9pm. Kabilang sa cast nito sina Seaver Choy, Jaycee Noriega, Pomae Rivera, Rico Del Rosario, Max Tiu, Mariel Tablan, Rein de Vera, Bea Salumbides, Crystel Rivera, Lance Abellion, Dennis Mendoza, Jonathan Yu, Nathan Torralba and Reuel Tica.

Lahat ng Lenten Specials na ito ay mapapanood sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube channel ng MarkyTalk Events.

*****

BUMIDA naman ang magagaling na mga kabataang theater artists sa katatapos lang na MarkyTalk YO! Youth Outspoken nitong Martes, March 30.

Tampok sa MarkyTalk YO! sina Jigger Sementilla, Bea Salumbides, Nathan Tan Pascual, Pomae Rivera, Jerome Ventonilla, Faith Sapit, at Ian Tabor.

Bago pa ang kanilang palabas nagpahayag na sila ng kanilang excitement para sa MarkyTalk at kung ano Mae-expect sa show nila. Narito ang kanilang mga pahayag:

“Gaano po ako kaexcited? I’m SUPER DUPER excited for YO! We were given so much creative freedom with the show and we want it to be something that’ll let young people like ourselves know that we can still have fun during these trying times. It’s been a year since we’ve started staying at home and as an extrovert, medyo nakakadrain rin po na walang kadaldalan hahaha. The YO gang wants to create this inclusive space for young people na gustong gusto na ring makipagsocialise like me.” – Ian Tabor

“I’m very excited for our pilot episode! Feeling ko po it’s a very unique show; not a lot of shows show only young people. In this episode, everyone will get to know us better and play games. Hopefully they’ll enjoy it enough to be excited for the next one!” – Nathan Tan Pascual

“Sobrang kinakabahan na nae-excite! I think it’s a good way para mapakita namin ulet yung artistry namin na matagal namin hindi napakita dahil sa pandemic. And syempre it’s our way para maka-connect lalo sa virtual world. Plus eto po ang way namin para ma-spoken out namin as a youth kung anong stand namin to the issues sa ating bansa.” – Jerome Ventinilla

“Sobrang excited po ako para sa Markytalk YO, pero syempre kinakabahan din ng kaunti. Maaasahan po ng mga viewers na mag-e-enjoy sila at maraming matututunan tungkol sa iba’t ibang topics tulad ng pagkakaibigan. Magkakaroon din po ng special at unique performances ang bawat isa sa amin dahil mayroong magbabahagi ng original songs at magtatanghal ng sketch. Syempre po hindi rin mawawala ang palaro na may papremyo kaya inaasahan namin na marami ang manonood at mag-eenjoy, at makikipagkaibigan kasama namin.” – Bea Salumbides

“Very excited for the MarkyTalk YO! We’ve been working on this for months and finally it’s happening! You can expect fun and games and friends. We’re basically a group of young people who wants to empower and hang out with the kabataan like us through online. We have been locked down for a year now, at kaming mga Markytalk YOers ay magbibigay sigla at boses sa mga kabataan na naghahananap kung san sila maaaring mag-belong. At sa MarkyTalk YO, may lugar ka dito!” – Pomae Rivera

“Very excited for our very first MarkyTalk YO show! We poured out a lot of time and creative juices preparing for this! Our viewers can expect that they’ll find entertainment, empowerment, and friendship through MarkyTalk YO! So excited to meet them!” – Faith Sapit

“Sobrang excited na po ako for YO!!! Lahat po ng manonood should expect high energy, games, and a showcase of our God-given talents!! Marami po kaming oras na ginugol para mabuo ito at finally heto na po!” – jigger sementilla

Mapapanood pa rin ang MarkyTalk YO sa Facebook page ng MarkyTalk at YouTube Channel ng MarkyTalk Events.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)