Breaking News, Showbiz

Kris walang malisya ang pakikipag-date kay Mark Leviste; Doris nasa recovery stage na

NILINAW ni Kris Aquino sa kanyang social media account na walang malisya at isang friendly dinner date ang pagpayag nitong makipagkita kay Batangas VG Mark Leviste sa isang Makati resto nitong nakaraang linggo. Kahit pa ginagawan ng isyu ang pakikipag-dinner date nito with Mark, iginigiit ni Kris na siya ay “single.”

Sa  pinakabago niyang Instagram post, kung saa’y ka-dinner niya ang fashion designer  na si Michael Leyva, na kuha noong Thursday, February 25. Kris wrote, “Single, not dating, peaceful, trying to get healthier.”

With maiksing caption, “I’m learning how to say less.”

Nauna nang nai-post ilang araw na ang nakakalipas sa Mega Entertainment kung saa’y ini-report that Kris recently went on a dinner date with Batangas Vice Governor Mark Leviste at a restaurant in Makati.

Ang nasabing report, na na-publish last Friday, February 26, sinabing ang dalawa (Kris at Mark) were accompanied by Mark’s son and a friend of the actress “who doesn’t want to be named.”

Nalathala pa sa Mega Entertainment  na si Mark ay, the “Queen of All Media’s newest suitor.”

Ayon sa ilang source, Mega Entertainment reported that the politician “frequently waits for Kris to go down to the lobby of a serviced residence in BGC, even if sometimes she never meets him. And because of this, Kris finally agreed to go out with the vice governor because he truly insists on taking her out.”

Noong September 2019, unang nagparamdam si Mark via Kris’s Instagram page pagkatapos ihayag ni Kris through a public invitation to single men, aged 41-55, to add her private Facebook account.

“Looking for someone single, aged 41?” ayon pa kay Mark.

Mensahe  ni Kris kay vice governor, : “Napaso na [ako] sa ‘players’ (literal & figurative) and sa elected officials. You have a [check] in both boxes. Not ‘looking’ but I look forward to getting to know you better and befriending you.”

Ipinaliwanag naman  ni Kris noong March, 2020, kung bakit ayaw nitong magkaroon ng  romantic relationship with Mark.

“It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished. Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past. Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life,” rason ni Kris.

Binanggit pa nito ang tungkol kay Mark’s supposed lack of “sensitivity chip.”

“He wasn’t very polite with his text messages… that’s why I chose the safe out—bringing up someone from the past—it’s much more proper because nobody is to blame. Hindi ako nabobola sa IG comment. Words mean very little when not backed by action,”.

                        *****

                        Doris Bigornia nasa recovery stage na

SA bisa ng panalangin mula sa mga nagmamahal sa TV Patrol field reporter na si Doris Bigornia, naitawid ng binansagang “Mutya ng Masa” ang kanyang open-heart surgery pagkatapos niyang atakehin sa puso last February 23. Ayon sa update ng kanyang anak na si Nikki Bigornia, nasa recovery stage na ang  kanyang ina matapos ang kanyang successful open-heart surgery.

Masaya ring ibinalita ni Nikki sa kanyang Twitter noong Lunes, March 1 ang isang maituturing na pangalawang buhay ng ABS-CBN news correspondent. Hindi lingid kay Nikki na malaking bahagi ang dasal para sa kaligtasan ng ina, kaya naman humihiling pa rin ito ng patuloy na panalangin para sa agarang paggaling ng ina.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy.

“Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy [praying hands emoji]”, mensahe ni Nikki.

Naiparating na raw nito ang buhos ng concern sa ina at nais nitong ipaabot ang kanyang mensahe at pagmamahal sa mga taong nagmalasakit nang mabalitaan ang kalagayan ng Kapamilya broadcaster.

Pahabol pa ni Nikki, “Naiparating ko na rin po ang inyong mga mensahe at pagmamahal, at siya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat (heart emoji). Ako rin po at ang aming pamilya ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Dahil nabigyan niyo po kami ng lakas at pag-asa. Mahal na amahal namin kayo (heart emoji)”

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)