Breaking News, Showbiz

Kris proud sa 1st honor medal at iba pang certificates ni Bimby sa school

PROUD mama si Kris Aquino nang kanyang ipagmalaki sa ipinost niyang video sa kanyang Instagram ang mga natanggap na mga parangal at pagkilala ng kanyang 13-year-old na bunsong anak na si Bimby Aquino Yap sa pinapasukan nitong Brent International School. 

Ipinakita ni Kris sa video ang 1st honor medal at certificate ni Bimby sa Grade 7.

Nakatanggap din si Bimby ng certificates para sa mga nakuha niyang pagkilala na Excellence in Music and Arts, Excellence in Values Education, Excellence in Computer, Excellence in Livelihood Education at Excellence in Physical Education.

Nakakuha rin si Bimby ng Courage Award, na ayon kay Kris ay ang paborito niya sa scholastic achievements ng anak. Pero agad namang isiningit ni Bimby na ang Excellence in Computer ang paborito niya.

Nagbiro pa si Kris na kaya raw nabigyan ng Excellence in Livelihood Education si Bimby ay dahil nagtatrabaho na ito sa batang edad nito.

Samantala, sa naturan ding video ay inanunsiyo ni Kris na magbibigay siya ng mga regalo sa kanyang supporters at followers sa social media bago pa sumapit ang kanyang birthday sa mismong Araw ng mga Puso sa February 14.

“Please watch the video because ako ang may regalo sa inyo… for my followers on IG & FB this is how i’m choosing to celebrate my birthday. Sinayang ko naman na pinanganak ako on Valentine’s Day if i don’t SHARE my #lovelovelove,” sabi ni Kris sa caption ng kanyang IG post.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)